Sa Bayaran
Inutusan ako ng head housemate na bayaran ang mga bayarin sa bahay. Ito ang isang bagay na masasabi kong medyo ipinag-alala ko dahil 'challenging' ang gawaing ito. At isa na nga rito ang pagbabayad ng isang service na kilalang may mahabang pila tuwing katapusan ng buwan kung saan marami ang nagbabayad. Tulad ng inaasahan, mahaba agad ang pila sa bayaran. Tandaan: alas dyes pa lang iyon ng umaga. May malamig na lugar-hintayan naman ang nasabing payment service para sa mga nakapila pero maliit ito. Kaya pagsapit ko roon, sa labas na lang ako naghintay. Pakiramdam ko kasi minsan, madali akong mawalan ng hininga lalo pa't maraming tao sa loob (parang nakakasakal) at may mga pagkakataon din minsan na nasusuka ako lalo na kung maalinsangan ang lugar. #00257 ang number na nakuha ko sa guwardya. Pero sa screen, #00036 pa lang ang nasa unang bintana ng bayaran. At ang karaniwang haba o tagal ng transaksyon ay umaabot ng tatlong minuto (at iyon na ang pinakamabilis!) dahil sabay na s...