Posts

Showing posts from July, 2022

Sa Bulaklak ng Santan

Image
Pauwi na ako noong nakaraang gabi nang mapansin ko ang palumpong ng santan sa bahagi ng Terramo. Doon ako may biglang naalala. Nakaramdam ako ng takot, kahit hindi naman dapat. Bago iyon, nagkaroon ako ng kaibigan noon sa 1303rd Dental Headquarters sa Camp Aquino. Siya si Titoy at kasama niya ang kuya niyang si Nunok. Sa kanila ko unang natuklasang matamis pala ang nectar ng santan, at naging ugali na naming dalawa ni Titoy noon ang tumikim nito sa landscape ng 1303rd habang nagkukuwentuhan. Sabi ko noon, gusto ko ring magkaroon ng ganitong halaman sa harap ng bahay, para araw-araw akong titikim ng nectar nito. Iyon nga lang, hindi ako marunong magtanim. Napagtanto ko rin noon na mawawalan ng ganda ang isang halaman kung pipitas lang ako para lang sa nectar. *** May kalaro ako noon na marunong gumawa ng necklace gamit ang mga bulaklak ng santan. Wala lang. Nabanggit ko lang. Pinanggawa niya kasi ako noon at ang ganda. Gumawa rin siya ng parang korona (ring type) tapos inilagay niya sa ...