Simula
Trahedya Nakulong ang tatay ng kalaro ko. Natalo siya sa isinampang kaso ng pagpatay. Ang sabi, tuliro na raw siya at hindi na makausap. "Mabubulok ka sa kulungan!" sumpa ni mama sa kanya saka niya ako niyakap nang mahigpit. Maingat lang dahil iniiwasan niyang masagi ng mga kamay niya ang mga sugat sa mukha ko. Pero, bakit nga ba siya nakulong? Simpleng dahilan lang: napatay niya ang tatay ko. *** Noong nakaraang linggo, sumugod sa bahay namin ang tatay ng kalaro ko. Matindi ang galit niya. Nakakatakot. Ang malala, hinugot niya ang baril niya saka itinutok kay mama. Si mama lang dapat ang matatamaan pero itinulak siya ni papa kaya siya ang nakasalo ng bala. Naghahapunan na kami nang sumugod siya sa loob ng bahay. Nagulat ako sa pagputok ng baril. Nakita ko pa ang pagtagos ng bala sa dibdib ni papa, sakto sa puso, saka sumaboy ang dugo niya sa lamesa bago siya bumagsak sa sahig. Nakarinig ako ng sigaw kahit tinakpan ko na ang tainga ko. Nakatago na ako sa ilalim ng lamesa. Sa ...