Sa Table 4
Hapon. Malakas ang ulan. Madilim ang paligid. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng mirror wall nang bigla niya akong tapikin. Bigla akong natauhan. "Nakikinig ka ba? Ano bang tinitignan mo dyan sa ibaba?" tanong niya. Iritang-irita. May nakadikit na poster sa salamin ng restaurant kaya hindi ko makita kung sino ang nasa kabilang salamin, sa labas. Ang nakikita ko lang mula sa kinauupuan ko ay ang dalawang paa na walang suot. Kung hindi man punit o nangitim, e nawawala ang mga kuko nito na parang sinadyang baklasin. Yung mga daliri niya e halos pudpod na o parang pinutol tapos yung kulay ng balat e namumuti. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatingin sa mga paa na iyon. Sa palagay ko, mali na ang nakikita ko dahil mukhang hindi naman ito nakikita ng iba. At sa sarili ko, naroon ang matinding emosyong kanina ko pa pinipigilang itago sa kasama ko. Hindi ako namamalik-mata: nakalutang sa ere ang dalawang paa na bigla ring nawala! "Yung chips at pasta, ubusin na na...