Lumaki

Naalala ko noong maliit pa ako, papunta kami sa Manila, nang mag-stop over kami ni daddy sa isang gasoline station. Pagkatapos magpakarga ng gasolina, sumama ako kay daddy para jumingle sa restroom ng gasolinahan.

Pagpasok, doon ako unang nakakita ng men's urinal na nakadikit/ nakasabit/ nakasemento sa pader. Doon inasunto ni daddy ang ihi niya. Nakita ko pa nga ang kanya, eh. Na kahit malambot, malaki ito at parang jumbo hotdog! Iyon nga lang, may ulo sa kanya, sa akin, wala pa. May buhok sa kanya, sa akin wala. May kaitiman ang kanya, maputi naman ang akin. At malaki sa kanya, maliit naman ang akin.

At dahil ihing-ihi na ako, pilit kong inabot ang napakataas na men's urinal. Hindi ko maabot. Narinig kong tumawa ng mga sandaling iyon si daddy nang maitutok ko sa ibang direksyon saka nagsalita ng ganito: "Magmamana ka sa akin, anak. Tatangkad ka rin," saka niya pinagpag ang malaki nitong ipinagmamalaki.

"Pati iyan?" turo ko sa ano niya bago itago sa loob ng kanyang pantalon. "Lalaki rin ba ng ganyan kalaki ang sa akin, daddy?"

Natawa siya, "Oo naman dahil lalake ka! Lalaki iyan ng mas malaki pa kaysa sa akin. Pamparami ng chicks!" saka kami lumabas pagkatapos kong umihi sa isang toilet bowl.

Pitong taong gulang lang ako noon. Labing limang taon na iyon ang nakalipas. Masaya ako dahil sa wakas, naaabot ko na ang lahat ng men's urinal dahil tumangkad na ako, lumaki na ako.

Nalulungkot ako kapag inaalala ko ang mga sandaling iyon. Oo nga't tumangkad nga ako. Lumaki. Pero yung ano ko, hindi.

'shit' desu ne.

Minsan, napapaisip ako kung ampon niya lang ba ako o hindi.

Comments

Post a Comment