Kabilang Linya

"Papa, mama, alam n'yo ba, itong apo ninyo, naku! Hinahangaan na ng buong mundo ang team nila sa Basketball! Isipin ninyo, napakagaling nilang humakot ng mga gintong medalya't tropeo sa world olympics!"

"Panigurado, ipinagmamalaki na sila ng mga Pilipino."

"At ng buong Pilipinas, papa! Pambato sila ng ating bansa para sa Basketball!"

"Wow! Nakakamangha naman! E, ang asawa mo, kumusta na siya?"

"Heto, mama. Mapagmahal, maganda, at sexy pa rin tulad mo."

"Naku talaga nga namang nambola ka pang bata ka! Nagmana ka talaga sa papa mo!"

"Syempre naman, mama! Idol ko iyan eh!"

"Ahahaha!!! Anak ko 'yan!"

"Oo nga pala, papa, mama, alam kong matutuwa kayo sa ibabalita ko: Isa na po akong Chief General ng AFP!"

"Grabe ka, anak! We are so proud of you, kami ng papa mo!"

"Tahan na, mama. Masaya ako dahil naabot ko na rin ang matagal ko nang pinapangarap. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil nagkaroon ako ng magandang buhay at pamilya. At syempre, hindi ko naman matatamasa ang mga ito kung hindi rin dahil sa inyo, diba? Hindi ko sila pababayaan tulad ng pag-aaruga ninyo sa akin. Ipinapangako ko sa inyo na aalagaan kong mabuti ang asawa't anak ko. "

"Alam ko, anak. Sana lang, nakikita namin ngayon ng papa mo ang mga tagumpay ninyo ngayon. Napakahirap pala ng ganito na magkalayo tayo sa isa't isa. Sobrang sakit. Pasensya na at napaaga ang pag-alis namin ng papa mo, ha."

"Hayaan mo na, mama. Huwag na kayong umiyak, naiiyak ako eh. Magkikita rin tayong lahat at magsasama-sama. Hintayin ninyo ako, kaunting tiis lang."

"Hindi pa, anak. Kailangan ka pa ng asawa't anak mo. Masyado pang maaaga para sumunod ka rito sa amin. Basta anak, lagi kayong magdarasal at magmamahalan, ha."

"Syempre naman, papa! Nagmana ako sa iyo, idol kita eh!"

"O siya sige na. Huwag ka na ring umiyak. Magpahinga ka na. Kalahating araw na tayong nag-uusap. Tumawag ka na lang bukas."

"Sige, papa. Basta, lagi kayong mag-iingat ni mama diyan sa kabilang buhay, ha. Miss na miss ko na kayo!"

"Kami rin, anak!"

"Bye!"

Comments

  1. nung una, akala ko magkakaharap silang nag-uusap; tapus habang binabasa nalalaman ko na sila ay nag-uusap pala sa telepono; tapus nang lumaon pa, kakaibang telepono pala, may connection sa kabilang buhay :) ikaw na mahusay magsulat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hihihi hindi rin pero salamat!
      Kailangan ko pang magbasa ng maraming libro.

      Delete

Post a Comment