Peklat

Grade 6 ako noon, sa isang pribadong eskuwelahan. May ganap ang buong eskuwelahan noon na hindi ko gusto kaya pinili kong magbasa na lang ng komiks sa classroom nang mag-isa.

Maya-maya, isa sa mga kaklase ko ang dumating -- si Christian -- ang guwapong classroom escort ng aming section at isa siya sa mga nangungunang gago at malibog kong kaklase.

Marami na akong narinig na totoong kuwento tungkol sa kanya, na sa murang edad ay isa nang mamboboso at marami nang karanasan sa pakikipag-sex: sa babae man at maging sa kapwa-lalake.

Napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang pawis na pawis. Nang magpantay ang paningin namin, ni-lock niya ang pinto saka niya ako nilapitan.

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang mapansin kong kakaiba ang tingin niya sa akin saka siya ngumiti. Agad akong kinabahan.

"Huwag kang lumapit sa akin," babala ko.

"Bakit? May problema ba tayo?"

Na-korner niya ako sa sulok ng classroom. Sadyang mas malaki ang katawan niya sa akin noon kaya hindi ako basta makawala sa kanya nang mahuli niya ako.

Hinubad niya ang polo ko saka siya yumakap sa akin. May ginagawa siya sa akin na halos hindi ko na mawari pero isa lang ang maliwanag: nasasaktan na ako sa ginagawa niya.

"Christian, tama na! Ayoko na! Hindi ko na kaya!" pero parang wala siyang narinig sa mga pakiusap ko.

Pagkatapos ng ginawa niya, isang kaklase ang nabigla nang makita kaming dalawa ni Christian (nakapasok siya dahil siya ang may hawak ng susi). Hindi niya pa rin ako binibitiwan habang gulo-gulo ang suot kong polo. Hindi ko na maalala kung ano pa ang ibang nangyari noon.

Bigla ko na lang naalala ang pangyayaring iyon habang pinanonood ang isang mang-aawit sa TV na may pangalang 'Christian.' Pumasok ako sa kuwarto at naghubad. Humarap ako sa salamin at tinignan ang peklat ko sa dibdib na walang awang kinurot noon ni Christian hanggang magdugo gamit ang nagtataliman niyang kuko.

Comments