Agahan

Nangungupahan lang ang boss kong sundalo sa isang maliit na apartment malapit sa labas ng kampo. Naroon ako sa poder niya bilang striker.

Magkasama kami tuwing kumakain pero magkahiwalay kami ng higaan tuwing natutulog--siya, sa kuwarto niyang may kama at ako naman sa sahig lang, doon sa sala.

Ginigising ko ang boss ko tuwing alas kuwatro ng madaling araw para sa duty niya. Sisilipin ko siya sa kuwarto niya at tatawagin para gisingin nang hindi sinisindi ang ilaw.

At habang naghahanda ako ng agahan, lalabas siya ng kuwarto na itim na brief lang ang suot (naka-brief lang siya tuwing natutulog). Titingin siya sa akin ng mata sa mata at ngingiti, babati ng 'good morning!' at pupunta sa CR para umihi na hindi man lang nagsasara ng pinto.

Malamig tuwing madaling araw sa inuupahan niya kaya naiintindihan ko kung bakit bukol na bukol ang brief ni boss. Ewan ko, pero mula noon, hindi ko na napipigilang sumulyap sa brief niyang iyon habang parang nagwawala sa laki ang nasa loob nito.

Tapos, ibabaling ko sa iba ang tingin tuwing mapapansin niyang tinititigan ko iyon. Aaminin ko: para akong lalagnatin tuwing tititigan iyon.

Si boss ang physical fitness trainer ko. May katangkaran, kaputian, at syempre, malaki at maganda rin ang katawan. Mayroon siyang sexy at matigas na abs, makipot ang baywang, malaki ang braso't paa, matambok ang puwet at ang harap. Mukha siyang model dahil ang guwapo niya rin talaga.

Tuwing magpu-push up ako, lagi siyang nakaupo sa harap ko para tignan kung may progress sa performance ko. Habang nasa harapan ko siya, pinagmamasdan ko ang short niyang may malaking bukol. Kitang-kita ang nakabakat niyang bayag at ang mataba't mahaba niyang burat na parang nanunuksong laging nakaturo sa kaliwang direksyon.

Kapag naliligo naman, ugali niya ang magtanggal ng damit hanggang matira ang brief. Pupunta siya sa CR dala ang tuwalya saka maliligo. Kahit naliligo ng pawis (halimbawa, magkasama kaming nagj-jogging), parang mabango pa rin siyang tignan.

At pagkatapos maligo, mukha na siyang sariwa. Nakasuot siya ng panibagong brief habang nagpupunas ng buhok papunta sa kuwarto niya.

Sa isang tingin, parang ang sarap niyang namnamin, kagatin o kaya kainin. Ang guwapo at ang sexy talaga nitong boss kong sundalo. Maaalala kong binata pa siya at wala pang kasintahan.

Isang araw, pagkatapos kong magjogging ng halos limang kilometro nang mag-isa, dumating ako sa apartment ng boss ko. Naliligo na ako ng pawis nang kunin ko ang tuwalya para maligo.

Hawak ko na ang door knob para buksan ang pinto ng CR nang mapahinto ako at natahimik. Nakarinig ako ng mga tunog na parang nanggagaling sa isang phone--lalake at babae--na nagtatalik. Maya-maya, nakarinig ako ng isa pang mga nage-echo na ungol mula kay boss.

Nasa CR siya, naliligo. "Ang sarap, puta!"

Nabigla ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hinintay ko na lang na matapos siya sa ginagawa niya hanggang sa lumabas siya ng CR, nasa uluhan ang tuwalya't pinupunasan ang basang buhok. Hawak din niya ang phone niya. At syempre, brief lang ang suot tulad ng lagi.

Nabigla ako dahil bahagya pang nakasilip ang dulo ng burat niyang medyo namumula pa at nakaturo sa kaliwa. Nakangiti sa akin si boss, makahulugan ang tingin sa akin habang papasok ng kuwarto, "Ang sarap! Ikaw na!" saka siya bahagyang tumawa.

Pagpasok ko sa CR, nakita ko ang masaganang puting likidong binuga niya na nakakalat pa sa puting tiles.

Nanginginig ako at naghuhumindig. Dinagdagan ko ang puting likido na pumilandit sa tiles at pinagsama sa mga binuga ni boss, pinapantasyang sabay kaming nagpaparaos habang naliligo sa iisang malamig na shower.

Ang sarap nga, 'shit!' bulong ko.

Tulad ng lagi, ako ang gumigising sa boss ko tuwing madaling araw. Tulad din ng lagi, naka-brief lang siya na natutulog pero noong umagang iyon, hindi siya agad bumangon.

Tapos na ako sa paghahanda ng agahan nang gisingin ko uli si boss na bumalik naman yata sa pagkakatulog, "Sir, handa na ang agahan."

Paggising niya, ang sabi, wala raw siyang duty. Puwede raw muna kaming magpahinga.

Pabalik na ako sa kusina para mag-ayos nang ipasindi niya sa akin ang ilaw ng kuwarto niya. Tinawag niya ako, "Halika, pasok ka."

Nakita ko siyang nakahiga pa rin sa kama niya. Pinatatanggal niya sa akin ang brief niyang CalvinKlein na nakabukol. Nang-aakit ang mga tingin niya at boses. "Huwag kang matakot," sabi niya nang mapansin niya ang panginginig ng kamay ko sa kaba.

Napalunok ako ng laway. Kinakabahan ako at nag-aalangan, pero nakaramdam ako ng excitement.

Lumapit ako sa boss ko. Sumandal siya sa uluhan ng kama niya. Nakangiti sa akin.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa, sir."

"Kalma lang, ako muna ang agahan mo."

At dahan-dahan ko nang tinanggal ang brief niya noong umagang iyon.

Comments