Posts

Showing posts from February, 2020

Basura

Rapture Laman ng balita ngayon sa buong bansa na maraming tao sa pampublikong lugar ang bigla na lamang nawawala sa ere. Yung tipong parang rapture sa apocalipsis na ang isang katawan ng tao ay maglalahong parang bula na walang iiwanang bakas maliban sa suot nitong damit. Marami na tuloy ang takot lumabas ng bahay, sa araw man o sa gabi. Nakakatakot isipin na baka ito na nga ang tinatawag na panahon ng katapusan ng mundo na sinasabi sa Banal na Kasulatan. Dahil dito, naging agresibo ang mga religious group sa bansa sa pagpapakalat nila ng mga Salita ng Diyos para lang mailigtas ang tao. Lahat sila ay nagulantang, nataranta, at nasindak. Hindi na masama. Maraming tao ang nagbago. Marami na ang nagsisimba, bumait ang mga taong tarantado't gago, at kahit yung mga taong may sala sa pitong nakamamatay na kasalanan, aba, nagbago na rin! Pero wala ring ligtas ang iba sa hindi malamang dahilan kahit na hindi naman gumagawa ng masama. Wala nang masasamang balita ang naririnig sa iba...

Nawawala, Naliligaw

Minsan, nagising ako ng umaga. Pagbangon ko, bigla akong nagtaka: Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito? Ang nakakatakot pa, sino ako? Totoo, hindi ko makilala kung sino ako. Wala akong alam. Bago ko inimulat ang mata, nananaginip ako na naroon daw ako sa isang lugar kung saan maraming itim at puting linya. Para silang naglalaban, naghahalo, at parang nakaharap ako sa isang static ng TV. Hindi, parang naroon ako mismo sa loob nito. Titingin ako sa paligid. Inaalala, kung anong lugar 'to at kung totoo o hindi. Tapos, doon ko na lang maaalala na oo nga, nandito nga pala ako sa sariling kuwarto. Napansin ko, parang bago ang lahat. Hindi, bagong-bago sa paningin ko ang lahat kahit pa alam ko sa pinakailalim ng isip ko na matagal ko nang pag-aari ang mga bagay na nasa paligid ko: damit, higaan, mga libro, maging ang buong kuwarto. Nakakabigla at nakakalito. Sumisigaw ang isip ko, sinasabing, 'Hindi ko pag-aari ang lahat!' Mukhang naniniwala ako sa kanya, sa sinasabi ...