Yabag

May ibang tao raw sa loob ng bahay kagabi.

Sino? Walang may alam.

Tatlo ang kuwarto sa ikalawang palapag. Halos magkakaharap ang mga pinto nito. Katabi ng hagdan ang maliit na CR.

Isa sa mga nasa maliit na kuwarto ang nagising at nagsabing may umakyat daw galing sa ibaba. Mabigat daw ang paa. Tumapat daw ito sa CR pero hindi naman daw pumasok (hindi niya narinig ang pagbukas ng pinto). Hindi niya alam kung sino iyon.

May natutulog din sa isang medium size na kuwarto. Nagising siya sa mga yapak. Naglakad daw ito palapit sa pinto kung saan siya natutulog pero hindi naman daw pumasok. Malinaw, nakatayo lang daw siya sa tapat ng pinto. Nananahimik. Hindi niya rin alam kung sino iyon.

Nasa malaking kuwarto kami ni kuya kasama si mama--na nagising din naman ng gabing iyon. Nakasara ang pinto kaya hindi niya makita kung sino ang may mabigat na paa na siyang dahilan ng paggising niya. Mahimbing daw ang tulog ni kuya at imposible namang ako dahil magaan daw ang bawat hakbang ko kapag naglalakad, na mahimbing din ang tulog habang katabi si kuya.

The whole house was completely shut mula sa pinto hanggang bintana doon sa first floor. Kung matatandaan, ako ang nag-ayos at huling umakyat bago natulog. Nakasara din ang mga ilaw maliban sa dining area. Pero mayroon daw nagsindi ng ilaw sa kusina.

Kinabukasan, walang nagsalita sa amin kung sino ang nagbukas ng ilaw sa kusina at kung sino ang naglakad sa ikalawang palapag saka tumapat sa mga pinto. Ang sabi, bigla na lang daw itong naglaho na parang bula. Hindi raw alam ng tatlong nakarining kung saan na raw ito nagpunta.

Kung sino siya? Walang may alam. Inakyat sila ng kilabot nang sumagi sa isip na isa 'tong multo.

Totoo nga, may ibang tao nga sa loob ng bahay kagabi.

Comments

  1. bakit ngayon ko pa to nabasa (2 June 2020 | 12:42 AM)
    tapus sakto tatlo rin ang kwarto rito sa second floor, may isang cr din na halos katapat ng hagdan.
    napalingon talaga ako sa pinto ng kwarto ko matapos kong basahin lol

    ReplyDelete

Post a Comment