Nagtataka

Isang umaga, bago umalis ang isang kab'balay (housemate) papunta sa trabaho, pumasok siya sa kuwarto namin para manalamin.

May malaki siyang salamin sa kuwarto niya pero pinili niyang manalamin sa kuwarto namin dahil maliwanag gawa ng sinag ng araw (nakatapat sa rising sun, madilim kasi sa kuwarto niya).

Habang nananalamin, nakita niya akong nakatayo sa sulok. Nakaharap sa pader, hindi gumagalaw, nakayuko at nananahimik.

Paglabas niya ng kuwarto namin para bumalik sa kuwarto niya, kusang bumagsak ang pinto at nag-lock. Nagulat siya.

Sakto, paakyat AKO papunta sa kuwarto namin. Alam kong nandoon siya (yung nakisalamin) sa loob ng kuwarto namin kaya pinabuksan ko.

Pero pagbukas niya ng pinto ng kuwarto niya, nagulat siya.

"Nakita kitang nasa sulok, dyan sa loob ng kuwarto."

"Kanina pa akong nasa baba, nag-cr," sabi ko.

"Pero bakit nakita kita sa loob ng kuwartong 'yan kung nasa baba ka pala?"

Napatahimik kaming dalawa, nagtataka.

"Eh, sino yung nakita kong lalake sa loob ng kuwartong 'yan?"

Napalunok ako sa takot. At noong umagang iyon, inakyat kami ng matinding kilabot.

Comments