Sa Gabi ng Lamay

"Grabe, ha, bakit ngayon pa kung kailan kailangan namin siya?"

"Ka-chat ko lang siya kaninang umaga, magkikita pa nga sana kami dapat kaninang hapon."

"Paano nangyari 'yon? Kahapon lang ang saya naming nagkukuwentuhan."

"Nakakabigla talaga ang nangyari at mabilis. Hindi kapani-paniwala."

"Mabait na tao 'yan, walang kaaway. Maraming nagmamahal sa kanya at lahat kaibigan niya."

"Sayang siya. Lagi niya akong sinasama sa Bible Study at thankful ako dahil nakilala ko ang Diyos sa kanya."

"Mamimiss ko siya. Hindi ko man lang nasabing 'mahal ko siya' o 'sorry sa mga nagawa kong kasalanan' bago man lang siya nawala. Ang dami kong pinagsisisihan."

"Teka nga, paano ba siya namatay?"

"Hindi raw matukoy sa autopsy kung paano siya namatay. Wala naman daw sakit o lason. Wala ring foul play. Basta na lang daw huminto ang pagtibok ng puso niya."

"At ang pinakahuling salita na sinabi niya, 'ayoko na, pagod na akong magmahal' saka siya nawalan ng buhay."

Comments