Nakikibasa

"Tignan mo yung personal info niya! Tang'na, hindi tayo puwedeng tumanggap ng bata!"

"Ok. wait lang," reply ng ka-chat niya.

At agad inilipat ng ibang task ang katabi ko. Minadali ng mga daliri niya ang pagpunta sa Facebook. Agad akong umiwas ng tingin sa phone niya.

Nasa bus ako, siksikan. Papunta kaming Cubao. Galing naman ako sa Taguig dahil sa business matters. Pabalik na ako sa Tarlac pero inabutan ako ng rush hour sa EDSA, halos ayaw umusad ng mga sasakyan.

Sinubo ko ang Chupa Chups na binili ko sa 7eleven Guadalupe. Kunwari, wala akong nabasa o nakita.

Tumunog ang Messenger ng katabi ko. Agad niyang binasa ang reply ng kachat. Nakikibasa na rin ako nang pasimple (wala akong magawa, eh!) at ito ang nabasa ko:

"19 years old, boss."

"Send mo nga yung pic."

Natanggap niya ang litrato. Binuksan. Malaki ang screen ng iPhone niya kaya kitang-kita ko ang litrato ng babae: maganda, mahaba ang buhok, morena, malaki ang suso, matambok ang hinaharap at higit sa lahat--maputi ang kuyukot.

Pagkakita nito, para pa akong nabaknal (halos mamuwalan) nang sumagad (o biglang maitulak) sa ngalangala ko ang lollipop dahil sa pagkabigla. Ubo ako nang ubo sa bus, napatingin sa akin ang ibang mga pasahero, plus, excuse ko na lang iyon para hindi mahalata ng katabi ko na umuusisa rin ako sa kachat niya.

Bakit ko alam? Syempre, naka-panty lang ang babae (manipis, nakabakat pa yung hiwa!), manipis lang ang puting bra kaya medyo kita pa ang pinkish na utong (zoom in niya), at nakabukaka sa harap ng litrato. Hindi ko nakita nang buo kasi tinatakpan ng katabi ko ang phone niya.

Sa ganoong lagay, bigla akong tinigasan.

Napatingin agad sa akin ang katabi ko. Umiwas agad ako ng tingin bago niya pa ako mahuli. Kunwari wala akong alam o nabasa.

"Pwede na 'yan, yung lalake?" reply ng katabi ko.

"Kadarating lang ng result niya: negative, boss."

Negative...sa STD?

Kinumbinsi ko ang sarili na baka nagkakamali lang ako ng naiisip, pero mukhang doon pa rin ako dinadala ng isip ko.

Hindi ko na matandaan kung ano-ano pa ang mga napag-usapan nila (bakit ba? nakikibasa lang naman ako?!). Sa susunod na araw na raw ang taping nila, sa isang farm house doon sa Batangas. Naka-set na raw ang catering, mga staff at ilang mga cameramen.

Hindi ko makalimutan ang huling sinabi ng kachat ng katabi ko: "5 and a half to 6 inches ang haba ng lalake, sir."

Patuloy ang pagsipsip ko sa lollipop ko. Maya-maya, narinig ko ang tunog ng Messenger niya. Syempre, napatingin na naman ako sa convo niya.

"Hinahanap na kayo ng producer," chat ng kausap niya. "Kailangan, nandito na raw kayo after 15 minutes or else, ika-cancel niya raw ang agreement n'yo."

"Puta naman, nandito pa ako sa Boni!"

Bago pa ako mahuli ng katabi ko, ibinaling ko agad ang tingin sa iba.

Sobrang bagal pa rin ang pag-usad ng mga sasakyan dito sa EDSA. May mga eksperto sa ekonomiya ng bansa na raw ang nagsabing nakakasira ng ekonomiya ng bansa ang matinding trapiko sa EDSA. Pero wala na akong paki roon dahil gusto ko nang umuwi!

Nagpatuloy na lang ako sa pagsipsip ko sa lollipop ko.

Comments