Sa aming dalawa, napansin kong ako lang ang gumagawa ng mga paraan para mapanatili ko ang ugnayang meron kami--na hindi ko mawari kung ano nga ba kami--na ayoko sanang mawala. Wala siyang text. Matagal bago niya ako mareplyan sa mga chat ko at kadalasan, lagi lang niyang tinitignan pero hindi na sumasagot. Hindi niya na rin sinasagot kahit ang mga simple kong pangungumusta. Hindi man lang siya nangungumusta sa akin kahit minsan. Ako lang ang interesado sa kanya at mukhang wala na siyang interes sa akin. Maaalala kong sinabi niya noong una kaming nagkita, kapag busy siya, hindi raw talaga siya sumasagot. Siguro nga, oo. Busy siya pero ano pa bang malay ko kung iyon ba ang totoo? Noong huling nag-chat siya sa akin, nangako siya na magkikita kami. Pinaghandaan ko ang araw na 'to para sa kanya. Umasa pa naman ako na magbabonding kami, magkukuwentuhan, at iba pa na puwedeng mangyari na sa amin na lang dalawa pero hindi ko siya nakita. Nagmukha lang akong tanga. Pinagmukha niya akong tan...