Dumalaw

Akala ko, nagbalik na sila.

Nakita ko silang masaya, na nasa mabuti nang kalagayan. Wala nang sakit. Wala nang dinaramdam.

Masaya ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon, muli kaming magsasama-sama sa mahabang panahon, at hindi na muling magkakahiwalay pa. Parang totoo dahil nararamdaman ko sila at parang hindi sila nawala...na parang hindi nila ako iniwan.

Masakit, pero masaya ako dahil sa tagal ng panahon--at sa kauna-unahang pagkakataon--sa wakas, dumalaw rin sila sa panaginip ko.

Comments