Marami Akong Tanong

Ang huling balita ko, naroon daw siya sa Naguillian. Hindi ko alam kung saan matatagpuan ang lugar na iyon. Ano pa bang alam ko? May sampung taon na rin ang huli.

Bigla ko na lamang siyang naalala for some weird reasons. Dahil ba, namimiss ko na siya? Syempre, umabot din ng mahabang panahon ang pinagsamahan namin.

Namimiss niya rin ba ako? Nasaan na kaya siya? Kumusta na kaya siya? Naaalala niya pa ba ako tulad ng mga sandaling ito na naaalala ko siya? Bakit bigla na lang siyang nawala? Dahil ba may iba na siya? Nagpakalayo-layo?

Kilala niya pa kaya ako sakaling dumating ang araw na magkita kami? Tulad pa rin ba ng dati? Hindi na siguro.

Nagmamahal na ba siya ngayon? Masaya ba siya? Ano na bang lagay ng buhay niya? May pinagsisisihan ba siya? Pinagsisisihan niya ba na nagkakilala kami?

Hindi ko alam. Wala akong alam.

Ginusto niya bang magkahiwalay kami? Ako ba ang dahilan o may iba? O baka naman gusto niya talagang makalimot, pero bakit pa sa ganitong paraan? May iba pa bang dahilan?

Hinahanap niya ba ako ngayon? May balak ba siyang hanapin ako? Gusto niya pa rin ba akong makita?

Ano nga ba ang ginagawa niya sa mga sandaling ito? Sa mga oras na ito?

Maaalala niya pa rin ba ako? Inaalala niya pa rin ba ako? Ginugunita niya pa rin ba ako? O yung mga pinagsamahan namin?

Paano kung...paano kung isang araw, matutuklasan ko na lamang na wala na siya? Huwag naman sana. Hindi ko yata makakaya. Pero paano nga kung totoo? Ayoko namang i-entertain ang ganoon thought.

Kakayanin ko nga ba kung tama o totoo? Hindi yata. Ano, kakayanin pa ba?

Tandang-tanda ko pa ang mga nangyari. Natatandaan niya pa ba kaya? Nakalimutan niya na ba? O kinalimutan niya na talaga?

Eh, ako? Bakit ako nagkakaganito? Ano ba'ng nangyayari? Ba't ba napakarami kong tanong? Masasagutan pa ba ang isa sa kanila balang araw? Kailan kaya? Ano na?

Ba't ba nalulungkot ako? Magiging masaya pa ba ako?

Walang duda: nangungulila ako sa kanya.

Isa lang naman ang gusto kong malaman: Nasaan na nga ba talaga siya ngayon?

Comments

  1. Walang kasagutan sa tanong kung hindi susubukan. Sabi nga ng kasabihan. Nasa huli ang pagsisis. Kaya gawin na ang dapat bago pa mahuli ang lahat.

    ReplyDelete

Post a Comment