That Night, Several Years Ago

Noong gabing iyon ilang taon na ang nakalipas, galit ka sa hindi ko malamang dahilan, saka ka nang-iwan. Alam ko sa sarili na wala akong ginawa na ikasasama ng loob mo. Sa katunayan, ako pa nga itong nasaktan at nagmukhang tanga sa inasta mo pero wala kang narinig sa akin, kahit isang salita.

Nakakagulat, bigla kang nagparamdam nitong nakaraan mula sa mahabang taon mong pananahimik. Tulad noong una, wala kang narinig sa akin. Hindi kita pinansin o sinagot, at literal na pinagmukha kitang tanga. Hindi ko na iniisip pa kung ano ang nangyari sa atin noon pero hindi ibig sabihin, nakalimot ako.

Nakita mo na? Naramdaman mo rin kung ano ang ipinaramdam mo sa akin noong gabing 'yon. Hindi ko ugali ang magyabang, alam mo 'yan. At kilala kita: alam kong imaaang-maangan mo na naman 'yan.

Comments