Posts

Showing posts from August, 2021

Sabi ng Pangatlo

Hinang-hina ako pagkatapos ng ginawa namin. Pareho na kaming nakahiga at magkatabi sa kama niya. At dahil pagod ako sa trabaho at naubusan pa ako ng lakas, hindi na ako nagsalita saka ako napapikit. Pagod ako pero masarap sa pakiramdam. Maligayang-maligaya siya dahil marami ang naibuga ko. Pagbukas ng mata ko, nakita ko siyang nakatitig sa akin, nakangiti. "Bakit?" tanong ko. "May napansin ako sa 'yo, mula nang una tayong magkita," sagot niya. "Ano 'yun?" "May kahawig kang guwapong aktor." Natawa ako dahil napansin ko sa sinabi niya ang 'guwapo.' "Sino naman?" sinakyan ko na lang siya. "Hindi naman ako guwapo, eh." "Si RK Bagatsing." "Kahawig ko si RK Bagatsing?! Weh!" "Hindi nga," hindi siya nagbibiro. "Basta kahawig mo siya. Maputi ka lang, moreno siya. Fit siya, payat ka lang." "Hindi ako naniniwala," sagot ko. "Edi, huwag kang maniwala!" Iniidolo k...

Kumusta Ka

Nightshift. Paakyat ako sa training center para sana manalamin. Alam mo naman ang washroom ng training center, diba? May salamin. At puwedeng manalamin doon, wala namang sinabing bawal. Kaya, umakyat ako para manalamin. Sa hagdan pa lang, agad kong nakita ang isang personnel na tumayo sa tapat ng isang lamesa at naglakad papunta sa entrance nila...kung saan doon siya tumayo at tumanaw sa tila walang hanggang production area. Agad akong kinabahan nang malala pagkakita sa kanya. Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Si Nelson. Makalipas ang mahabang panahon--siguro mga tatlong buwan--sa wakas, nakita ko rin siya. Matagal ko siyang hindi nakita. Agad niya na akong napansin mula sa dilim, doon sa pinakahuling baitang ng hagdan. Gusto ko pa sanang umatras para umiwas sa kanya pero pinanindigan ko na ang sarili dahil nakatingin na siya sa akin. Nakita niya na akong dumating. Hindi ko na nagawa pang umatras. Walang ano-ano, "Hi!" sabi ko sa kanya. Hindi siya agad sumagot. Hindi ko tuloy ...