Sabi ng Pangatlo

Hinang-hina ako pagkatapos ng ginawa namin. Pareho na kaming nakahiga at magkatabi sa kama niya. At dahil pagod ako sa trabaho at naubusan pa ako ng lakas, hindi na ako nagsalita saka ako napapikit. Pagod ako pero masarap sa pakiramdam. Maligayang-maligaya siya dahil marami ang naibuga ko.

Pagbukas ng mata ko, nakita ko siyang nakatitig sa akin, nakangiti.

"Bakit?" tanong ko.

"May napansin ako sa 'yo, mula nang una tayong magkita," sagot niya.

"Ano 'yun?"

"May kahawig kang guwapong aktor."

Natawa ako dahil napansin ko sa sinabi niya ang 'guwapo.' "Sino naman?" sinakyan ko na lang siya. "Hindi naman ako guwapo, eh."

"Si RK Bagatsing."

"Kahawig ko si RK Bagatsing?! Weh!"

"Hindi nga," hindi siya nagbibiro. "Basta kahawig mo siya. Maputi ka lang, moreno siya. Fit siya, payat ka lang."

"Hindi ako naniniwala," sagot ko.

"Edi, huwag kang maniwala!"

Iniidolo ko si RK Bagatsing dahil magaling siyang aktor. Puwede siyang maging bida at puwede rin siyang maging kontrabida.

"Kahawig mo si RK Bagatsing, maniwala ka," sabi niya. "Crush na crush ko 'yun, eh!"

Tumango na lang ako saka napangisi.

Kung ako ang tatanungin, pangatlo na siya sa mga naka-connect ko ngayong taon. Pangatlo na rin siya sa mga nagsabing kahawig ko ang nabanggit na aktor.

Comments