Hindi Mabuti
"Kumusta ka?" Tuwing may makikita akong kakilala, lalo na sa company, pangungumusta lagi ang una kong pambungad. Ayos ito bilang mabuting pambulabog. Saka, tanda ko na rin ito ng pagiging mabait. Lagi akong nangungumusta. Pero napansin ko ring iba-iba sila ng level of approach. Pansinin: Madalas, "Hello po, Ate/Kuya! Kumusta po?" Heto pa: "Uy! Kumusta?" Minsan, ganito ako mangumusta: "O, ano na? Kumusta 'yang pagmumukha mo?" Ganito rin: "Ano nang nangyari sa pagmumukha mo?" O kaya simpleng "Hi, kumusta?" Mahilig akong mangumusta, kahit pa kahapon lang ang huli naming pagkikita, yung tipong, Hi, bii! Kumusta? Long time no see! Na sasagutin naman ng ilan na, John, nagkumustahan na tayo kanina, diba? o kaya John, para kang tanga. Kanina lang tayo nagkita, nangungumusta ka sa akin uli! O kaya ganito: mamemerhusiwyo ako ng isang kakilala sa company gamit ang pangungumusta: Hi Ate/Kuya (pangalan) ! Kumusta po? Merry Christmas ...