Posts

Showing posts from August, 2022

Limot

"Sigurado ka?" tanong ko. "May nangyari sa ating dalawa?" "Oo, nakalimutan mo na?" mabilis na reply niya. Nagtataka. "Kailan? Paano?" "Noong pinasyalan mo ako sa studio last week, solo natin." Matagal bago ako nakapagreply. Oo, natatandaan ko ngang binisita ko siya sa studio nila pero yung sa tinutukoy niya na may nangyari sa amin? "Wala na akong maalala..." "Grabe ka!" nabigla siya. "May nangyari sa atin noon tapos hindi mo na maalala? Bilis mo namang makalimot!" Totoo nga. Wala na akong maalalang may nangyari sa amin. Hindi siya makapaniwala. Wala naman akong magagawa roon. Wala nga akong maalala. "Dapat naaalala mo yun kasi ginawa natin, diba? Ginusto natin. Ano bang nangyayari sa iyo?!" "Ewan," reply ko. "Siguro dahil busy ako, nakalimutan ko na ang nangyari sa atin. Marami rin kasi akong iniisip." "Hindi ako naniniwala," kontra niya. "Ang sabihin mo, baka na...

Request

Siya Napansin ko na siya noon pang 2020. Nakakasabayan ko siya sa company service tuwing nag-aabang sa kanto ng Kirot sa Sapang Tagalog. Panay ang tingin niya sa akin. Ilang beses ko na siyang nahuhuli. Minsan pa, nagpantay ang mga paningin namin habang nag-aabang o nasa service. Agad ding nag-iiwasan. Lagi niyang pinipiling umupo sa likod ng bus. Mapag-isa. Kahit marami siyang katabi, lagi lang siyang tahimik. Kapag kinakausap, isang tanong, isang sagot. Nakasabay ko na rin siya sa jeepney noon. Pag-upo ko, naroon siya sa tapat ko. Tinitigan ko siya. Umiwas ako ng tingin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. "Boss, bayad po," at sinabi niya ang bababaan niya (malapit lang din pala sa amin!). Hindi ko naman siya kilala. Nakikita ko lang siya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero muli ko siyang tinignan at umiwas nang tingin tuwing tititig siya sa akin. Naisip ko, ang cute niya. Pero suplado. Ako Nakasabay ko na rin siya sa jeepney noon. Pagbayad ko, doon ko nap...

Si Akiles

Nawala sa katinuan (o nabaliw) ang kumare namin. Lagi niyang sinisigaw ang "Dumating na si Akiles!" pero wala naman kaming ideya kung sino si Akiles. Tapos, ang sabi pa ng mga kaanak niya, matindi raw ang takot niyang humarap sa aparador na naroon mismo sa kuwarto nila. Hindi na siya makausap nang matino. Sayang nga lang dahil mabait pa man din ang kumare naming iyon, lalo na kapag nagpapautang. Pero, hindi nga lang sa oras ng singilan. *** Minsan na siyang napaaway dahil sa isang taong umutang sa kanya na matagal nang hindi nagbabayad. Ginyera niya ito at nag-eskandalo sa harap ng bahay nila, at ipinabarangay niya para pahiyain at siraan sa madla na hindi ito nagbabayad ng utang. Nakakapanggigil ang ganitong estilo ng paniningil niya, na kinalaunan naman ay nagbago. Oo, nagbago na siya...at lumevel-up pa sa social media! Ang alam ko, in-unfollow ko siya sa Facebook dahil nakakabuwisit yung mga maya't maya niyang post na puro patama at parinig sa mga taong may utang sa ka...