Posts

Showing posts from November, 2025

Friend Request

Hapon. Rush hour. Pagod ako at naiirita na rin dahil siksikan sa mojeep mula sa mga nakaupo, at sa mga kagaya kong kabilang sa mga nakatayong pasahero. Nanghihina ako, magulo ang buhok, gusot ang polo, hindi pa bumibili ng bagong sapatos—ganito ang hitsura ko habang nakadikit sa ibang pasaherong nakakapit sa handrail. Maya-maya, nagsakay ng isa pang pasahero ang gagong kundoktor at napilitang mag-adjust ang mga pasahero hanggang sa likuran, kung nasaan ako nakalugar. Nagkaroon ng kaunting tulakan at, hindi sinasadya, napasandal siya sa dibdib ko. "Excuse me po," sagot niya, magalang. Nagkatinginan kaming dalawa at agad ding umiwas. Maya-maya, panay ang tingin niya sa ibaba ko pero hindi ko siya pinansin. Pagbaba ko, nginitian niya ako saka tinanguan. Malandi! *** Hapon. Rush hour. Gaya ng lagi, punyeta pa rin ang mga kundoktor ng mojeep. Ang pinagkaiba, walang tayuan dahil nagmamadali ang tsuper. Ang dinig ko lang sa gagong kundoktor e may maimomotel na naman ang matandang ts...

Deco

Image
Internet wifi router—wala akong alam dyan noong una, not until nang magsimula na nga ang test broadcast namin ng wifi rito sa bahay dahil kinailangan na nga namin ng maayos na internet connection, mainly, for communication, online class, streaming, and browsing purposes. Unang Deco wifi unit sa studio ni kuya Ayon sa record, nagsimula ang test broadcast ng internet wifi rito sa bahay gamit ang Globe at Home prepaid, na may wifi name na BACKROOM. Set-up at location ng wifi na BACKROOM sa studio ni kuya Nakalagay ito sa itaas ng aparador doon sa studio ni kuya para malayo at hindi maaabot ng mga malilikot at mapaminsalang pusang pagala-gala lang dito sa bahay. At dahil hindi umaabot ang signal nito hanggang sa first floor, nag-trial din kami ng wifi extender para magkaroon ng wifi signal sa first floor. Ang akala ko noong una, kung ano ang magiging wifi name ng main modem e magiging kapareho na rin ito sa extender. Ang sistema pala nito e kokonekta ang extender sa main wifi name (BACKROO...