Posts

Showing posts from August, 2025

Guni-guni

Pagpasok ko sa men's locker room, diretso ako kaagad sa wash area para mag-sepilyo. Habang kinukuskos ko ang kaliwang gilagid, napansin kong may dumaan sa likuran ko, papasok sa isa sa mga cubicles. Hindi ko nakita pero naramdaman ko, medyo nahagip pa nga ng sulok ng mata ko, eh. Sumunod ako sa kanya para umihi. Pero—napansin ko, walang tao sa area. Alam ko dahil nakabukas lahat ng cubicles at iisa lang ang daanan nito kaya imposibleng magkakasalisihan kami. Napagtanto ko: ako lang pala ang tao sa buong locker room. *** Breaktime ng ibang staff. At dahil walang maiiwan sa maliit na opisina sa south post number 13—na tinatawag naming 'pharmacy' dahil, well, mukhang pharmacy—e kailangang magsara ng fan at ilaw para magtipid sa kuryente. Naghahabol ako ng mga document ko kaya para makabuwelo, kinailangan kong magpunta sa pharmacy para uminom nang mabilisan. Pagsampa ko sa hallway ng south post, napansin kong may pumasok sa pharmacy (o parang may pumasok sa pharmacy). Makaraan ...

Senyales

Mahilig akong makipaghalubilo sa iba noong high school. Gusto ko kasi ang lagi akong may kasama at kaibigan para naman maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Pero, nang dahil sa isang issue na sumiklab noong fourth year high, nalaman ko na hindi pala dapat lahat ng tao e kinakaibigan ko, lalo na yung mga taong nanira ng tiwala ko at iniwan ako sa huli noong panahong kinailangan ko ng karamay. Saklap. Kaya pagsapit ko ng college, pinili kong mabuhay na lang bilang isang college student na nag-iisa. Natakot akong muling makipaghalubilo sa iba kasi naisip ko na baka maulit uli ang nangyari sa akin noong high school. Mahirap na. Nakakatakot. Kaya noong nag-college ako, wala akong kaibigan. Nag-aaral lang ako. Nasa classroom man e lagi kong pinipili na umupo sa sulok, malayo sa upuan ng iba at walang katabi. Wala akong kakilala sa mga kaklase ko kaya wala ring nakakakilala sa akin. Wala akong kinakausap, kahit sino. Mag-isa lang akong kumakain tuwing tanghalian sa cafeteria, at mag-isa lang di...

Stitches and Burns

Image
Ang sabi niya, nag-iinuman daw sila ng mga pinsan niya. Ipinagpaalam niya pa iyon sa akin bago sila magsimula. Kibit balikat ako dahil, ang naiisip ko, "Bakit kailangan niya pang mag-paalam sa akin na mag-iinuman sila?" Ano niya ba ako? Ano ko ba siya? Dapat ba? May dapat ba kaming linawin sa isa't isa? Maya-maya, nabigla ako nang buksan ko ang chat niya. May binigay siyang short video ng sarili niya, sinasabayan ang kantang "Stitches and Burns" ng Fra Lippo Lippi. Parang nagti-tiktok lang. Now, I don't wanna see you anymore— At doon naputol ang video dahil ilang segundo lang ang itinagal nito. Mukhang may 'tama' na rin yata siya ng alak. Sa kabilang banda, nabigla ako kahit hindi naman dapat. Naisip ko, parang dalawa yata ang ibig niyang sabihin doon pero kinalaunan, hinayaan ko. Oo, may kaunting kirot pero hindi ko na ginawan ng issue. Kasunod nito ang mga chats niya na puro paliwanag, na hindi raw iyon ang ibig niyang sabihin sa akin, na kesyo ...