Posts

Palagi

Image
Kung hindi ako nagkakamali, mabigat na ang pakiramdam ko noong araw na iyon. Hindi ko na sinabi sa kanya na may lagnat ako pero nasa loob ng katawan ko. Ang balak ko sana noong araw na iyon e magpahinga na lang dahil unti-unti nang nagiging ubo ang sipon ko. Napansin ko iyon dahil nangangati na ang lalamunan ko. Ang usapan, magkikita kami ng mga ala seis ng gabi. At dahil hindi ako nakalabas agad dahil sa audit, nakarating ako ng Tarlac sa oras ng alas siyete ng gabi. Hindi pa gaano maganda ang panahon dahil malakas ang hangin at umaambon...na maya-maya'y naging ulan. Doon ko napagtanto ang kahalagahan ng gamit ng payong. Pagtingala ko sa lilim, nakita ko ang dami ng patak ng ulan na naiilawan sa itaas ng isang building sa likod ng bus terminal, sa Siesta Tarlac. At dahil wala akong dalang payong, sinabihan ko na siya na manatili na lang sa bahay nila at huwag nang lumabas. Di baleng ako na lang ang mabasa kaysa siya para hindi na siya magkasakit pa. Nagtanggal ako ng polo para gaw...

Sa Table 4

Hapon. Malakas ang ulan. Madilim ang paligid. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng mirror wall nang bigla niya akong tapikin. Bigla akong natauhan. "Nakikinig ka ba? Ano bang tinitignan mo dyan sa ibaba?" tanong niya. Iritang-irita. May nakadikit na poster sa salamin ng restaurant kaya hindi ko makita kung sino ang nasa kabilang salamin, sa labas. Ang nakikita ko lang mula sa kinauupuan ko ay ang dalawang paa na walang suot. Kung hindi man punit o nangitim, e nawawala ang mga kuko nito na parang sinadyang baklasin. Yung mga daliri niya e halos pudpod na o parang pinutol tapos yung kulay ng balat e namumuti. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatingin sa mga paa na iyon. Sa palagay ko, mali na ang nakikita ko dahil mukhang hindi naman ito nakikita ng iba. At sa sarili ko, naroon ang matinding emosyong kanina ko pa pinipigilang itago sa kasama ko. Hindi ako namamalik-mata: nakalutang sa ere ang dalawang paa na bigla ring nawala! "Yung chips at pasta, ubusin na na...

12th

Image
Saturday, June 08, 2024 Sa kabila ng pagiging maabala sa buhay—sa pamilya, sa trabaho, sa karelasyon, sa kaibigan (pero wala nang panahon para sa sarili)—heto tayo, magdiriwang pa rin kahit pa madalas tayong napapagod, nauubos, at nakakalimot. Happy 12th anniversary!