13th
Totoo. Wala na akong alam sa panahon. Hindi ko na alam kung ano nang oras, araw, linggo, at minsan, buwan. Kaliwa't kanan ang ginagawa, patong-patong na ang mga dapat nang tapusin, at panay ang baha ng mga iniisip hanggang sa pagtulog. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa paligid maging sa kaliit-liitang detalye ng ilang mga bagay-bagay.
Noon pa sanang June 08 ang post na ito pero sige na, ako na nakalimot: happy 13th anniversary! Happy ber month na rin!
Comments
Post a Comment