Posts

Showing posts from March, 2018

Perdible

Hindi na tayo tulad ng dati. Marami nang nagbago. Matagal na akong nananahimik pero hindi ibig sabihin nito, maayos na tayo sa isa't isa. Tandang-tanda ko pa ang mga panggagago mo noon at heto ka ngayon, naga-add sa akin sa Facebook (who you?). Sana, maging sagot ito sa tanong mo kung bakit ko binura ang friend request mo sa akin. Binura ko dahil una, ayokong makarinig ng walang silbing sumbat mula sa iyo na parang ikaw pa ang nagsalba sa akin sa panahong lubog ako sa hinanakit ng dahil sa iyo. At pangalawa, ayoko na ng gulo. Ayoko nang makipaggaguhan. Nakakapagod. At hangga't maaari, huwag mo na muling ikabit ang sarili mo sa akin na parang isang perdible na muli mong ididikit kung kailan nakikita mong mabuti na ang buhay ko at tatanggaling muli kapag nalaman (o nakita) mong bastos pa rin ako... tulad mo. Kairita, diba?

Genesis 7

Napansin ko ang isang kapitbahay na nagtapon ng isang libro sa tabi ng sapa. Tinignan ko siya nang masama. Ito kasi ang mga unang taon na nahihilig na ako sa pagbabasa noon at natuto nang magpahalaga ng mga libro, may silbi man ito o wala. Sabi ko, sayang naman ang mga punong ginawang papel para maging libro tapos itatapon niya lang? Sana, ipinamigay niya na lang iyon sa akin sa halip na itapon. Patago ko sanang kukunin ang itinapon niyang libro pero umulan na nang sobrang lakas nang sumapit ang alas dos ng hapon. Hindi tumigil ang ulan sa loob ng pitong oras. Nagbukas ako ng radyo, wala namang naiulat na may paparating na bagyo. Sabi nila, dahil lang daw ito sa habagat. Kinagabihan, naalarma na ako nang makita ko ang pag-apaw ng tubig sa sapa. Nagpanic kami. Inakyat namin ang lahat ng mga nasa lapag tulad ng refrigerator, TV, at iba pa na hindi maaaring mabasa. Yung mga pusa at guinea pigs, ikinulong namin sa kuwarto ko. Ang mga aso naman ay nanatili sa kani-kanilang higaan na hind

Granada

May granada ako rito sa kuwarto ko na nakalapag sa bintana. Wala lang, display ko lang. Napulot ko ito noong Grade 5 pa ako, doon sa restricted area ng ammo (sa may bundok), dito sa Camp Aquino pero wala ng laman (fully drain) nang mapulot ko. Nakita ko ito noon na nakabaon ang kalahati ng katawan nito sa lupa at wala na rin yung pin nito. Atis-type ito na parang may maliliit na square ang katawan na siyang magsisilbing debris nito kapag sumabog. Mas maporma at mapaminsala ito kumpara sa mansanas-type (bilog na makinis) na granada. Pero alin man ang maganda at hindi maganda sa dalawang nabanggit, delikado pa rin iyan. At nakamamatay. Wala lang. Bigla ko lang nabanggit. Hindi ko intensyon na mag-promote ng firearm dito pero naalala ko kasi ang granada ni mommy ko noon (alam kong kanya iyon na ibinigay ni daddy). Mansanas-type iyon at makinis. Iyon ang kauna-unahang granada na nakita ko sa buong buhay ko. Sabi ko, gusto ko ring magkaroon ng ganoon pero bawal sabi ni daddy. Nakakatako

Si Ophelia

"Saan ka pupunta?" Napahinto ako nang marinig ko ang maotoridad na boses ni Lola. Nakikita ko sa sulok ng paningin ko na nakatingin siya sa akin. Hawak niya ang manipis na kawayan na madalas niyang ipalo sa akin. Takot ako sa pamalo ni Lola pero mas takot ako sa kanya dahil ayan na siya, galit na naman siya sa akin! Tinignan ko siya nang mata sa mata. "Kukuha lang po ako ng tubig. Iinom po ako ng gamot," sagot ko, pilit nilalabanan ang takot. Hindi ako nakaalis agad nang marinig ko ang halakhak niyang parang nangungutya. Alam ko na kung ano ang kasunod nito na lagi niyang binabanggit: "Huwag ka nang umasang gagaling ka pa mula sa sakit mo! Wala ka nang pag-asa! Hanggang diyan ka na lang!" Hindi ko napigil na maiyak. Galit ako at gusto ko siyang saktan. Nagpatuloy ako sa kusina para kumuha ng tubig habang patuloy siya sa pagsasalita ng masasakit sa akin. Bigla akong nalungkot kaya hindi ko na lang siya pinapansin. "Nasaan na ang tapang mo? Ga