Siksik sa Six

Siksik sa six dahil sa sixth anniversary ng Jay's Quirky World blog noong 06/08/18 (ihahabol ko lang dahil super late na). Madalang mang magkaroon ng mga walang kuwentang laman at posts ngayon, pasabog naman ang taong 2018 sa rami ng ups and down, good and bad news.

Para sa akin, punumpuno (siksik) ng adventure ang taong ito na sana'y maikuwento ko rin dito balang araw. Yes, balang araw muna dahil medyo abala na rin ako sa ilang mga bagay-bagay sa buhay pero hindi ibig sabihin nito na balak na naming mag-shut down (tulad ng unang desisyon) dahil, tsika ko lang, fake news pala na magsasara na rin daw ang blogspot ng google ayon sa isang walang kuwentang source (muntik na akong lumipat sa wordpress) kaya long live, blogspot! Yey!

Sa ngayon, may mga ilang bagay rin daw akong dapat balikan para ayusin at ituwid, lalo na nga si blog. Ang problema sa kasalukuyan, tinambakan ako ng mga naipong project na tapos na dapat sana noon pang 2016 at kinakailangan ko nang tapusin ngayon (kahit kalahati muna) para masimulan na ang isa pa. Nagsusumamo na sila sa akin pero kering-keri lang yan!

Pati nga yung zine ko na dapat inilabas ko na noon pang June, hindi ko na naasikaso. Iyon sana ang first published work ko para sa 6th anniversary pero itinigil ko muna alang-alang sa ekonomiya. Well, pinagbabalakan ko pa lang naman iyon.

Sa blog kong ito na may readers man o wala, belated happy 6th anniversary!

Comments

  1. Happy Anniv! Naks :)
    Sana ay magkaroon ako ng sipi ng zine na yan hehehe.

    ReplyDelete

Post a Comment