Bypass Road San Vicente
Bumaba ako paghinto ng jeepney sa crossing ng San Sebastian, sa tapat ng hotel Sogo. Doon nagsimula ang mahaba-haba kong paglalakad. Pinagmamasdan ko lang ang mataas na building ng hotel Sogo sa San Sebastian, Tarlac. Hindi pa ako makatawid dahil mabibilis pa ang takbo ng mga sasakyan sa kalsada kaya medyo matagal-tagal din ang pagtayo ko sa gilid habang malakas ang ulan. Naka-uniform na ako at basang-basa na ang laylayan ng pantalon ko. Ang balak ko, papasok ako sa trabaho pagkatapos ng isang-bagay-na-hindi-ko-na-sasabihin-dito. Itong ulan...hindi ko alam kung may bagyo o sanhi lang ng habagat. Bilang isang commuter, hassle ang ganitong lakad na maliban sa malayo na nga, mababasa pa ng ulan. Hindi na lang ako nagsabi na wala na akong pera para mag-trike papunta sa pupuntahan ko, na kailangan kong maglakad ng 1.5 kilometer habang umuulan. Hindi pa ako lumalampas sa kantong nasa likuran ng hotel Sogo pero basang-basa na ako. Alas otso pa lang ng mga oras na iyon. Alas dos pa ng hapon an...