Happy 9th

Happy 9th, Jay's Quirky World! Kumusta na? Ano nang nangyari, isang taon bago sumapit ang 9th year natin?

  • Na-lockdown.
  • Na-low morale nang malala.
  • Na-hire ako sa panibagong company.
  • Naging mas busy ako sa lahat--lahat-lahat.
  • May nakilala akong bagong mga kaibigan.
  • Nakakilala ng isang taong hindi ko akalaing mamahalin ako pero sinira ang tiwala ko.
  • Muling nakakilala ng isang taong hindi ko akalaing tatanggapin ako sa kabila ng imperfections ko from the past pero nawala rin sa huli.
  • Nasaktan nang malala. Naghabol. Nagpakatanga. Umasa.
  • May nakilalang isang tao na gusto ko pero hindi ko alam kung gusto niya rin ba ako. Tinanggihan ako kinalaunan.
  • At may kakilalang gusto ako pero hindi ko alam kung gusto ko dahil...natatakot akong masaktan uli sa pag-ibig dahil sa pangalawang nakilala.
  • Heto, single uli.
  • Muling bumabangon at inaayos ang sarili.
  • Wala nang oras sa pagsusulat at pagbabasa di tulad noong una.
  • At higit sa lahat, napapasailalim pa rin ng isang dakilang diktador.

Pinipilit ko pa ring maging masaya. Pasensya na kung naging makasarili na naman ako sa bahaging ito.

***

Sabi nila, taon ng break-up ang 2021. Kaya nga siguro nagkaroon kami ng tampuhan at hindi na nagpapansinan. Ang tanong: naging kami nga ba?

At para makalimot ako sa hirap ng sakit, inabala ko ang sarili. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng minuto, oras, araw, buwan...gayundin si blog.

Ginawa ko ang blog na ito noon pang June 8, 2012. Sa dami ng pinagkakaabalahan ko, pati itong si blog, nakalimutan ko na. Balak ko pa naman sanang magluto sa araw ng anniversary ni blog at mag-imbita ng ilang mga kakilalang nakakaalam ng anniversary na ito para mag-celebrate pero...wala. Nakalimot talaga ako.

Nag-celebrate na lang ako nang mag-isa. Nilibre ko ang sarili ko ng isang spicy fried chicken, 2 rice with 3 shanghai rolls and spaghetti, at cokefloat. Dumaan na rin sa simbahan para magpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, nagpalakad-lakad para aliwin ang sarili sa maingay at maabalang F. TaƱedo street ng Tarlac.

Muni-muni. Me time. Ako muna. Minsan kasi, mas nakikilala ko ang sarili kapag nag-iisa (mula kasi nang dumating siya sa buhay ko, parang hindi ko na nakilala pa ang sarili). Nagagawa kong makipag-interact sa sarili. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para pansamantala munang takasan ang ilang bahagi ng buhay ko na hindi gaanong maayos, nag-iisip ng paraan kung paano ko sisimulang buuhin muli ang sarili, at--hey, napakagaan sa pakiramdam! Nagiging masaya uli ako sa ganitong paraan.

Awat na. Salamat sa lahat. Happy 9th, Jay's Quirky World!

Comments