Absent
Lunes. Pagkatapos ng ilang araw na trabaho, nagawa ko ring makapagpahinga nang mahabang oras. Mahimbing ang tulog ko at walang anumang istorbo. Nakatulog ako ng alas siyete ng gabi at nagising ng alas seis ng umaga. Sakto lang ang gising ko dahil alas otso naman ang pasok ko. May kaunting bigat pa ang pakiramdam ko pagbangon ko. Agad na akong nag-almusal saka kumuha ng gamit para maligo. Itinapat ko ang timba sa gripo. Hinayaan kong dumaloy ang tubig. Maya-maya, ramdam kong parang umikot ang paningin ko saka bumagal ang lahat. Bahagya pa akong nahilo at napasandal sa pader para hindi matumba. Pinagmasdan at pinakinggan ko ang ingay ng tubig. Bumagal ang paghinga ko, at doon na ako natulala at natahimik. Nakaramdam ako ng kapanatagan at katahimikan. Hindi ako gumalaw. Nawala na ako sa sarili ko. Lumipad ang diwa ko sa kalawakan ng kawalan hanggang magdilim. Hindi ko na nahanap pa ang sarili. Maya-maya, may tumatawag. Para akong nagising at muling nagkaroon ng malay. Pagtingin ko sa phon...