Seen 21:46

Street
Kantot, kalimot. Ganyan ang naging set-up naming dalawa. At dalawang beses lang din naman kaming nagkita.

Magaling siyang maglaro. At masarap. Nagkaroon ng silbi ang bibig, dila, at lalamunan niya sa pagchupa niya sa akin. Yung tipong, "Tangina, shit! Ang sarap!" at wala akong maisagot kundi puro ungol nang dila-dilaan niya na ang bayag ko.

Pagkatapos ng huling gabing iyon, hindi na siya nagparamdam makalipas ang ilang araw. Online siya pero hindi siya nagrereply sa mga chat ko. Inis ako sa mga ganitong kausap.

Nagreply naman siya makalipas ang--tangina--isang linggo! Nangungumusta lang. Nang mapahaba ang kuwentuhan, niyaya ko siyang lumabas para makipagkita uli sa kanya.

Gusto ko siyang makabonding bilang kaibigan. Malinis ang intensyon ko at walang malisya. Walang kasamang libog. Ayos lang kung food trip lang sa Mcdo o kaya kape lang sana sa Starbucks. Pero, pagkabasa niya ng paanyaya ko sa chat ko, saka naman siya nag-offline. Wala na akong narinig sa kanya mula noon.

Syempre, nagulat ako. Naisip ko tuloy kung may nasabi ba akong mali na hindi niya nagustuhan kaya ayaw niya nang magpakita? O baka naman, kinalimutan niya na ako? O kakalimutan pa lang? Kung anuman ang totoong dahilan niya, hindi ko alam.

Ako naman, hindi naman ako naghabol. Hindi na ako nangulit. In the first place, hindi naman talaga kami magkakilala kaya bakit ko pa siya kakausapin? Wala siyang gamit sa akin. Wala akong mapapala sa kanya at wala siyang silbi sa buhay ko.

Naisip ko, kung nagawa niya akong kalimutan, puwes, kayang-kaya ko rin siyang kalimutan at tanggalin sa sistema ko na parang hindi siya umiral sa mundo ko. Tangina, hindi ko problema ang katulad niya. Hindi na akong umasang makita pa siya uli.

Hindi ko siya kawalan, at hindi rin naman ako nawalan. Kahit papaano, naranasan ko ang galing ng performance niya sa pagchupa niya sa akin bago siya maglaho. Napakaraming lalake (na hindi lang siya) kaya madali lang din naman akong makahanap ng kapalit niya.

Ang totoo, hindi ako sanay sa mga taong bigla na lang nawawala nang hindi ko nalalaman ang dahilan. Ayoko ng ganoon kaya pinabayaan ko nang mawala. Iyon ang gusto niya, eh. Iyon ang pinili niya then let it be.

Pero, nitong nakaraang buwan, bigla siyang nagparamdam makalipas ang higit isang taon. Nangungumusta siya at hindi ko iyon inaasahan. Aba, syempre, nabigla ako. Hindi ako sanay sa ganoon!

Tipid at halos paiwas ang mga sagot ko sa kanya. Nakalimutan ko na kung ano ang ugali niya. Hindi ko na siya kilala kaya hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

Sa lahat daw ng mga nakilala niya, ako lang daw ang mabait. Ako lang daw ang masasabi niyang maganda ang 'looks' kumpara sa mga nakilala niya. Mabango. At matinong kausap! Naman!

Hindi ako natuwa, lalo na sa biglaan niyang pagpapakita sa akin makalipas ang matagal na panahon.

Sa isip ko, naroon ang mga tanong katulad ng, "Bakit kaya siya muling nagpakita sa akin?" "May problema ba siya sa karelasyon niya ngayon?" "Naghahanap ba siya ng aliw? Bagong lalake? O ng karamay?" Anuman ang dahilan niya e hindi ko alam.

Napakarami niyang sinasabi at ikinukuwento. Nagsisi ako na nakipagkita pa sa kanya dahil ni isa sa mga sinabi niya e hindi ko nagustuhan. Napagtanto ko sa huli na hindi na ako interesado sa kanya sa kabila ng matagal niyang hindi pagpaparamdam sa akin.

Nagyayaya siyang mag-motel kami pagsapit ng Linggo, ayon sa napag-usapan namin.

Napagkasunduan namin na magmomotel kami sa darating na Linggo (siya ang unang nagyaya). Masayang-masaya siya dahil matitikman na naman daw niya ako kapag nag-sex kaming dalawa. Nag-set pa nga siya ng oras kung kailan kami magkikita. Basta, plantsado na ang lahat.

Pero noong araw na iyon, natulog lang akong maghapon: naglalaway sa kama, naliligo ng pawis, at mahimbing ang tulog. At paggising ko kinagabihan, nakita ko na andami niya nang message sa akin, hinahanap ako pero hindi na ako nagreply. Sabi ko nga, wala na akong interes sa kanya.

Nagtampo na siya sa akin nang mag-seen lang ako sa message niya at walang ni isang nireply. Naisip ko, ang bilis niya namang magalit sa simpleng 'seen' ko lang, kumpara sa matagal niyang hindi pagpaparamdam (isang taon yun, ha!). At sa mga sandaling iyon, umakyat ang init ng galit ko sa ulo't tainga ko. Gusto ko talaga siyang paduguin.

Binblock ko na lang siya, tulad ng ginawa niya sa akin noong una.

Comments