Ruta ng Buhay

Gigising. Haharap sa salamin. Maliligo. Magbibihis. Mag-aalmusal.

Bibyahe sa rush hour. Traffic. Papasok. Magtatrabaho. Breaktime. Magtatrabaho. Uuwi.

Bibyahe sa rush hour. Traffic. Makakauwi. Maghahapunan habang nanonood ng balita. Maglilinis. Mag-aayos. Magbabasa. Matutulog.

Lunes hanggang sabado. Bahay-trabaho. Isang tanong, isang sagot. Madalas, wala.

***

Sasapit ang araw ng linggo.

Gigising. Haharap sa salamin. Maliligo. Magbibihis. Mag-aalmusal. Maglalaba. Maglilinis.

Magsisimba. Mamamalengke. Uuwi.

Manananghalian. Mag-aayos. Tutulala sa kuwarto hanggang makatulog.

Gigising ng gabi. Maghahapunan habang nanonood ng balita. Mag-aayos. Matutulog.

Sasapit ang lunes.

***

Darating ang panibagong araw, linggo, buwan, at taon. Mararanasan ang iba't ibang panahon. Magdaragdag ng edad at bibilis ang pagdaloy ng buhay. Sasapit ang panibagong dekada nang walang nagbabago, laging uulit sa kung paano ito nagsimula.

Magpapatuloy ang ganitong ruta ng buhay niya sa mga darating pang mga panahon.

Comments