14th

Hindi napaghandaan ng isip ko ang taon ng 2026. Akala ko, ito na ang taon nating lahat para maghayahay mula sa mga kapestehang dulot ng 2025 pero hindi pa pala. Mailalarawan ko siguro ito na mabigat, magastos, at masakit for whatever it means pero sa kabila ng mga ups and down, heto pa rin tayo, moving forward pa rin sa mga bagay-bagay.

Kasi, diba, ganoon naman talaga: walang mangyayaring maganda kung hindi tayo uusad. Oo, nandyan na ang damage ng problema pero walang mangyayari kung pare-pareho tayong nagsisisihan. Kung may problema, doon na tayo agad sa paggawa ng solusyon para matapos na ang usapan, tapos lesson learned na lang.

Pero kung ikaw mismo yung tao na wala ka na ngang ginagawang solusyon tapos puro ka pa paninisi e iumpog mo na lang ang ulo mo sa pader para tapos na rin ang usapan natin at para mabukulan ang problema. Paangat ang kailangan natin sa buhay at hindi palubog.

Wala lang. Nagsasabi-sabi lang ako dahil wala lang akong masabing maganda. Mag-iingat na lang ha, at higpitan ang pagkapit sa pananalig, ne. Labyuol.

Noong June 08 pa sana ito pero heto na, happy 14th anniversary! Party! Party!

Comments