Sa Bahay na Ito
Napanaginipan ko kaninang umaga si Pindong—ang tatay kong si 'Daddy Ferds'.
Ang eksena, nagkita kami ni Francis Demetilla (na ipinangalan nilang Francis Demetilla Calicdan). Hindi naman inaamin ni Pindong, maging ang mga tiyahin ko at pinsan, kung kapatid ko nga ang nabanggit na dalaga. Yes, babae ang tinutukoy ko ritong Francis Demetilla Calicdan. Kung bakit babae pero bininyagan ng pangalan ng panglalake e hindi ko alam. Kuwento nila yun.
Sa panaginip ko, maayos naman daw ang pakikitungo sa akin ng Francis na ito. Nag-uusap kami, masaya. Not until na mapansin ko nga ang maya't maya niyang pag-irap-irap sa akin with no apparent reason hanggang mahinto na lang siya sa ganoong attitude niya nang bulyawan ko siya nang malakas sa mukha niya. Hindi ko pa siya nasasampal sa lagay na iyon, gaya ng walang-awang pananampal na laging ginagawa ni Pindong sa mga ate ko hanggang magdugo.
Hindi ako 'against' kay Francis, kapatid ko man siya o hindi. Ampon man siya ni Tito Bong (sabi ni Pindong) at/o ampon/anak nga talaga siya ni Pindong. Hindi ko siya kilala at wala siyang kinalaman sa buhay ko. Binanggit ko siya dahil bigla siyang nawala sa bahay na ito.
Ang sumunod na eksena, pumasok ako sa bahay na ito, ang dati nilang bahay sa Banaba, doon sa San Mateo, Rizal. Madilim ang setting, masikip, at may mga nakita akong matatanda roon na alam kong wala na sa mundo dahil nakita kong naroon si Mamang, ang lola ko. Ang ganda ng ngiti niya sa akin at hindi ko iyon makakalimutan.
Sabi ko nga, natutuwa naman ako dahil sa edad kong ito, muli kong nakita ang lola kong iyon...na matagal nang nawala. Sabi niya sa akin, kasamahan din daw ng lola ko ang mga katabi niya—mga matatanda rin na nakatingin sa akin, hindi nagsasalita, walang emosyon, at hindi gumagalaw.
May tinuturo siya gamit ang kaliwang kamay. Nakita kong naroon sa tapat ng bintana ng bahay na ito si Pindong. Ibinaba niya ang shades niyang makapal para magtago at kausap niya sa phone niya si Merimae Demetilla, ang nanay ni Francis Demetilla Calicdan. Galit na galit daw si Merimae sa akin at hindi ko alam kung bakit. Kung bakit pati sa panaginip ko e galit sa akin ang mga taong iyon e hindi ko alam. Wala rin naman siyang kinalaman sa buhay ko.
Nagpaalam na ako kay Pindong, yung tango lang dahil gusto ko nang umuwi para bumili ng cat food pero humarap siya sa akin, yumakap siya sa akin, nahuli ng paningin ko yung luhang bumungad sa dulo ng mata niya saka ako nagising.
Really? Umiyak siya ng ganoon? Bakla lang ang umiiyak nang ganoon.
Sabi ko nga kay Tito Benjie noong 2025, bakit pa namin hahanapin ang isang tao kung siya na mismo ang lumayo at kusang nawala? Hindi na magpapakita si Pindong sa amin hanggang mamatay na siya dahil iyon ang pinili niya. Iyon ang desisyon niya. At iyon ang gusto niya. Ayon nga sa kapatid niyang si Karen, hindi na alagaing bata si Pindong so let it be. (kay Karen ko nga pala nalamang 'Pindong' ang palayaw ni Ferds)
Note: Patapos na ako sa pagsusulat nang mapansin kong father's day pala ngayong araw. Well, wala tayong babatiing father's day ngayon, ha. Oo, may anak lang. Bakit, naging ama nga ba talaga?
(naging ama sa ibang bata, yes)
K, bye.
Comments
Post a Comment