Si Terminal

Si Circuit at Si Junction
Trainee pa lang ako nang maka-fling ko ang isang kapwa trainee na itago na lang natin sa pangalang Circuit. Sabi ko sa kanya, huwag niya nang sasabihin sa iba ang kung anuman ang ginagawa naming dalawa—pumupunta sa bahay nila pagkatapos ng trabaho at manlalambot pagkatapos magparaos sa kanya. Wala naman akong naging problema sa kanya kasi nilulunok niya lahat para walang kalat, walang bakas.

Nagtagal ang ganoong set-up naming dalawa ng apat na buwan. Kapag nalibugan, sa kanya lang ako nagpaparaos. Kapag gusto niyang sumubo, sasama lang ako sa place niya. Natigil na lang iyon nang sabihin niya sa iba ang tungkol sa ginagawa naming dalawa.

Pagsapit ng January 2021, ang sabi niya, nagseselos daw siya dahil crush daw ako ng isa sa mga kasamahan niya sa kabilang variant ng linya namin. Tatawagin na lang natin siya sa pangalang Junction. Hindi ko siya kilala kaya nagkaroon ako ng interest na makilala siya. Alam mo na, to make more friends. Nag-add nga rin pala siya sa akin sa Facebook at siya mismo ang unang kumausap.

Hindi ko na alam kung ano na ang mga napag-usapan namin pero nagtapos iyon sa sinabi niya na kung sakali man daw na may time ako, puwede akong pumasyal sa kanya, doon sa inuupahan niya sa Zone B. Sabi ko nga, ayos lang para may panibagong tambayan.

Kaibigan lang talaga ang intensyon ko sa kanya pero dahil sa panay ang kakaibang kilos niya, bigla akong natukso sa kanya. Yes, may nangyari sa amin. Ang kaisa-isang bilin lang niya e hindi na raw dapat malaman ito ng iba and the rest are stupid history.

Tapos, isang araw, dalawa sa mga katrabaho namin ang nagsabing may boyfriend siya. Nagulat ako. Naroon ang "Aba, wait lang! Hindi ko yata 'yan matatanggap!" pero hindi ko ipinahalata sa mga katrabaho kasi ang sabi ni Junction, huwag ko raw sasabihin kung ano ang namamagitan sa aming dalawa. Fine!

Hindi ako naniwala noong una at para naman 'fair' e ako na mismo nagtanong kung may boyfriend siya. Ang sabi ng bugok, wala raw. Sa kanya na raw ako maniwala kasi siya na 'yun kaya nagpaubaya ako sa kanya, kasi kung meron, iiwas talaga ako dahil ayoko ng kumplikasyon.

Pero—hindi ko man lang nalaman agad na kumplikasyon din pala ang gusto niya.

Kaya nang magtagal, naging 'cold' ang pagtrato niya sa akin. Nagbago. Puro siya iwas. Laging irita. Para bang galit na hindi ko alam kung anong kasalanan ko. Ang gusto ko lang naman e malaman kung anong problema para hindi ako nangungulit at hindi ako panay sorry sa kanya sa kalasanang hindi ko naman alam dahil sensitive siya. Puwede ko naman isantabi ang kung anuman ang namamagitan sa amin dahil gusto ko lang talaga makipagkaibigan, kabonding, at hindi kalandian. Siya na ang may mali kung may iba pa siyang naiisip.

Yes! Yes! Yes!
Oo, wala ngang kami pero yung mga linyahan niya noon e ganito:
  • "Gusto kita, bakit kailangan mo pa ng dahilan?"
  • "Nagseselos ako kapag nakikita kong magkasama kayo ni Circuit. Nagseselos ako, kahit hindi naman dapat." (hindi siya dapat nagseselos dahil nga may boyfriend pala siya na hindi ko alam)
  • "Dati, sa MDX pa ako nags-CR pero ngayon sa CNC na para kapag pupunta ako sa CR ng CNC e makikita kita sa linya ninyo."
  • "Gusto kong (pangalan ko) lang ang itatawag ko sa iyo para ako lang ang bukod-tanging tumatawag sa iyo ng (pangalan ko)."
  • "censored"
  • "censored"
Oo, naghabol ako sa kanya nang di oras, kahit hindi pala dapat. May mga sumunod na nangyari na hindi maganda (yes, mali ko) at kinumpronta ako sa chat pero sa huli, parang walang nangyari.

Hibang? Tanga? Umasa? Oo na! Name it! Ako na 'yan!

Hindi na kami nag-usap tuwing nagkakasalubungan kami sa company. Automatic na tuwing magkakasalubungan e tinarato na lang namin na hangin na lang ang isa't isa para wala nang issue.

Si Terminal
Fast forward. May 2026. Pansamantala kaming nilipat ng site para mag-support. Nagkataong naroon ang pinsan ni Junction na itawag na lang natin sa pangalang Terminal.

Hindi ko kasundo at/o kinakausap si Terminal dahil, ayon nga sa sabi-sabi ng mga tsismosa sa paligid, pinsan nga ni Junction itong si Terminal.

Binanggit ko siya dahil bigla niyang inopen-up ang tungkol kay Junction, na nakasama ko na raw ito noon sa linya, at hindi na nag-uusap. Nagulat ako dahil alam niya ang kuwento naming dalawa pero nakinig na lang ako. Hindi ko lang akalaing ikinuwento niya ako sa iba, taliwas sa bilin niyang huwag magsasabi sa iba. Ang totoo, nakalimutan ko na ang lahat pero in an instant, biglang bumalik sa isip ko ang lahat na parang kanina lang nangyari.

Bilang pambungad, sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ko siya pinapansin e dahil pinsan niya si Junction, at ayoko nang maungkat pa at/o malaman pa ng iba ang kung anuman ang nangyari sa amin ni Junction from the past. Sabi ko, maayos na ang kanya-kanyang buhay at tahimik kaya huwag na natin iyon pag-usapan. Natutuwa pa ako dahil iyon ang unang pagkakataon na nakausap ko siya at nakakuwentuhan.

Hindi ako humiling ng kahit na anong bagay tungkol sa kanilang mag-pinsan pero ito ang mga nalaman ko:
  • Nang magtapos ang kuwento naming dalawa ni Junction e dumating naman agad siya sa buhay ni Terminal. Nag-chat lang daw si Junction kay Terminal sa Facebook at doon lang daw sila nagkakilala.
  • Inalok daw ni Junction itong si Terminal na mag-work sa company at mag-dorm kung saan tumutuloy itong si Junction. Kung bakit ganoon kagaaan ang loob ni Junction kay Terminal e hindi niya rin alam.
  • Naging magkasundo naman daw ang dalawa, hanggang maging parang magkapatid na raw ang turingan.
  • Nagbago raw ang pakikitungo ni Junction kay Terminal nang malaman niyang may guwapo ring manliligaw si Terminal at ipinasyal niya sa dorm nila for getting to know each other moment. May basbas daw ng landlady ang pagdala niya ng bisita sa dorm nila. Nagdabog daw itong si Junction nang makita niya ang manliligaw ni Terminal pag-uwi niya sa dorm after work at binagsak ang pagsara ng pinto ng kuwarto nila. Of course, nabastusan si Terminal sa inasta ni Junction.
  • Binawi raw ni Junction ang lahat ng mga damit na binigay niya kay Terminal na kinalkal nito sa mga lalagyan ng damit ni Terminal. Naghiwalay na raw sila ng kuwarto.
  • Pareho silang graduate ng Education. Nagrereview raw si Terminal noong panahon na iyon kaya mayroon siyang dalang reviewer. Ipinapahiram niya raw ito kay Junction at dahil nga hindi na sila maayos sa isa't isa e kinuha raw ni Junction ang mga reviewer ni Terminal. Ibinalik naman daw niya ito pero tatlong page na lang. Doon na sila nag-away nang malala (hindi na kami nag-uusap nito ni Junction pero narinig ko ang tsismis na ito kay Layout at hindi ko lang akalain na sangkot pala sa eksenang ito si Terminal, ang dinig ko pa e kasalanan daw ni Terminal ang lahat).
  • Professional pa rin naman daw ang trato ni Junction kay Terminal nang mag-apply ito for the higher position dito sa company. Upon deployment, nalaman ko nga kay Layout na mag-pinsan daw sila, pero...
"Hindi," sagot ni Terminal habang nagp-pull ng mga wire sa connector. "Hindi ko siya pinsan."

Kung hindi niya pinsan e kaano-ano niya? Tiyo? Pamangkin? Malayong kamag-anak? Bahala na silang dalawa.

***

Nakabalik na kami sa dati naming site noong mga huling linggo ng May. Nasalubong ko si Junction na palabas na ng area. Hindi kami nag-imikan gaya ng lagi naming ginagawa. Nahihiya ako sa kanya noong una pero nagbago rin nang marinig ko ang mga ikinuwento sa akin ni Terminal.

Na-realize ko na sa kahit na anong anggulo mo tignan—sa kuwento man namin o kuwento man nina Terminal—iisa lang ang malinaw na nakikita ko: hindi kami ang nagbigay ng 'first move' kay Junction ng kakaibang motibo sa mga nangyari. Siya ang dumating sa buhay ko at hindi ako dumating sa buhay niya.


LSS ako noon sa kantang 'Do I Need a Reason' ng D'Sound isang linggo bago ko siya nakilala noong January 2021. Traumatic pakinggan...medyo lang naman. Wala akong sama ng loob sa kanya.

Comments