Bumabalik
May nakatingin. Iyon ang nararamdaman ko.
Mula nang lumipat ako sa kumpanyang iyon, ramdam kong parang sinusundan na ako ng tingin mula sa iisang tao. Parang natatanaw ko siya mula sa gilid ng mata ko pero kapag lilingunin ko e nawawala o parang nagtatago. Hindi ko kilala kung sino iyon at bakit. Iniisip ko nga na sana, kung sino man siya, e tigilan niya na ako.
Lagi kong napapansin ang ganito. Magsisimula ito paglabas ko ng bahay, pagsakay sa jeepney at service, sa locker, sa opisina, sa canteen, sa CR, at tuwing maglalakad ako nang mag-isa.
Ang nakakatakot pa rito, ramdam kong parang sinusundan niya pa rin ako hanggang pag-uwi ko sa bahay. Pakiramdam ko, pinagmamasdan niya ako mula sa malayo tuwing nakatambay ako sa sala, nagluluto o kumakain sa kusina, tuwing naliligo, hanggang sa makatulog ako.
Hindi ako mapakali. Kahit alam ko sa sarili ko na ako lang ang mag-isa e parang laging may nakatingin.
***
Sinusundan ako ng taong ito hanggang sa online. May isang dummy account na todo-react sa mga post ko, sa bago at luma kong litrato, at sa mga kuwentong isinusulat ko sa blog. Minsan, kinausap ko siya pero hindi siya sumagot. Sa halip, nawala na lang siyang bigla. Hindi ko tuloy alam kung nagbura siya ng account o binlock ako. Pero, pagkalipas ng isang araw, may isa na namang bagong dummy account ang nagmamanman sa akin.
Nagtagal ang ganoong set-up ng isang buong taon. Pakiramdam ko, lagi akong nalalagay sa alanganin laban sa isang bagay na hindi ko naman nakikita. Nagpatingin na rin ako sa kaibigan kong mental health professional pero hindi niya ako nakitaan ng anumang problema.
E, baka may nagmamanman nga talaga sa iyo, magpa-blotter ka na sa pulis, na ginawa ko nga kinalaunan at mula nga noon, wala na akong naramdaman na parang may nagmamanman sa akin.
Natahimik ako. Iyon ang akala ko. Dahil makalipas lang ang tatlong buwan, muli kong naramdaman na parang may nakatingin sa akin mula sa malayo pero ramdam kong mas malapit na siya sa akin.
Tapos, mayroon na namang nag-chat sa akin. Nakita ko ang message niya na puro 'Hi!' at 'Hello!' na hindi ko nirereplyan. Inaway pa ako ng boyfriend ko dahil akala niya, ako pa ang unang nagchchat sa kung sino-sino lang nang mag-message ito ng 'Hi, pogi!' at/o 'Hi, baby!'
***
"Nakita niya raw tayo kahapon, habang naglilibot tayo sa mall."
Nabigla ako sa sinabing ito ng boyfriend ko.
"Chinat niya ako kagabi. Ang sabi niya, nagtitinginan daw kayong dalawa. Matagal."
"O, bakit pati ikaw e kinakausap niya na? Anong bang sinabi niya?"
"Iyon lang naman. Hindi naman ako nagreply. Ang sabi niya, kinawayan ka raw niya pero napakunot ka lang daw ng noo."
Hindi na ako nagsalita. Wala akong maalala. Hindi ko alam kung ano ang gusto ng taong iyon sa akin pero nakaramdam na ako ng galit.
"Kung hindi ka pa nakukuntento sa akin at patuloy ka pa rin sa pakikipaglandian mo sa iba, e mabuti pang itigil na lang natin ito kasi nakakawasa ka na!"
Dinabugan niya ako, hindi ako nakapagsalita.
"Manang-mana ka talaga sa tatay mong talipandas!"
***
Katulad ng lagi, ramdam kong may nakatingin sa akin. Tuwing nasa bahay ako, bibyahe papunta sa trabaho, hanggang pag-uwi ko sa bahay—hindi iyon nawala. Panay rin ang pagpaparamdam o pagpapapansin sa akin ng isang dummy account online, chat nang chat sa akin pero hindi ko pinapansin. Sa ngayon, lagi na siyang may comment sa lahat ng post ko. Nanatili akong walang reaksyon.
At tulad ng inaasahan, dumating din ang araw na nagpakita rin siya sa akin gawa ng kadesperadahan niya. Hindi niya ako natiis nang lapitan niya ako sa canteen.
Lalake. Nakasalamin siya, malaki at maganda ang katawan. Guwapo. Mabango. May suot siyang necklace na may pendant na golden cross, tugma sa una kong napansin doon sa profile pic niya online na hindi nakikita ang mukha.
"Hindi ko gusto ang paraan mo ng pagmamanman mo sa akin," humigop ako ng kape dahil coffee break ng mga oras na iyon. "Ano ba'ng gusto mo?"
"Ikaw," inabot niya sa akin ang hawak kong cup at nakihigop ng kape, hindi niya binibitiwan ang tingin sa mata ko, "Hiwalayan mo ang boyfriend mo."
Hindi ako nagsalita. Itinapon ko ang paper cup sa trash bin at bumalik sa work.
Nagpahabol siya, "Pupuntahan kita mamaya sa bahay mo!"
***
Ni-lock ko ang lahat ng pinto sa bahay, pati ang gate. Pero nabigla ako dahil nakapasok pa rin siya, yung normal lang na pagpasok na parang kanya ang bahay, at dumiretso sa dining area kung saan niya ako naabutang mag-isang naghahapunan. Dumampot siya ng shanghai roll at isinawsaw sa sweet chili sauce saka kinain. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. May duplicate siya ng mga susi ng bahay ko. Malamang, ninakaw niya mula sa garahe.
"Ang ganda sana kung ako ang boyfriend mo kasi ako ang kasama mo ngayon," kumuha siya ng pasta at spaghetti sauce saka umupo sa tapat ko. "Ang sarap mong magluto!"
Napangisi ako lalo na nang uminom siya ng wine. Hindi ako nagsalita nang dumaldal na siya sa harap ko. Dumiretso ako sa kuwarto at naghubad saka nag-shower.
Nakasunod siya sa akin. Hinayaan ko siyang makapasok hanggang sa nakisalo siya sa malamig na buhos ng shower. Panay ang haplos niya sa katawan ko, hindi mawari kung saan niya iparoroon ang mga kamay.
"Alam mo bang matagal na kitang gustong hawakan?" at doon na gumapang ang mga halik niya mula sa labi ko, sa leeg, sa dibdib, hanggang sa maisubo niya ang pagkalalake ko. Kitang-kita sa hitsura niya na para na siyang nakaraos sa ganoong paraan. "Gusto kita. Ikaw ang dahilan kung bakit ako laging bumabalik sa iyo!"
Bumabalik?
Doon na ako napasandal sa pader. Mabilis ding nawala sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Nakasabunot ang kamay ko sa buhok niya at maya't maya siyang hinahataw nang malakas na kaliwa't kanang sampal.
Hindi na kami nagbitiw papunta sa kama kung saan doon kami nagpagulong-gulong. Binibigyan ko siya ng malalakas na bayo na sinasabayan niya ng ungol hanggang sa maiputok ko ang katas ko sa loob niya.
***
Natatandaan ko na. Siya ang dahilan kung bakit umalis ako sa trabaho ko sa Santa Mesa.
"Tama ka." Natawa siya, na para bang naririnig niya ang mga sinasabi ng isip ko. "Wala pa kayo ng boyfriend mo nang magkakilala tayo sa Santa Mesa. Panay ang tingin ko sa iyo noon tuwing makakasabayan kita pasakay sa Pureza. Nagkita rin tayo noon after a week. Rush hour. Nagkaroon ng gulo sa platform ng tren kaya nagkaroon ng panic. Sa pagmamadali nila, isa sa mga tumatakbo ang bumangga sa akin, dahilan para mahulog ako sa riles. Alam kong kitang-kita mo ako kung paano ako masagasaan ng tre—"
"Tama na!"
Kinalas ko ang mga kamay niyang nakayakap sa katawan ko. Iniwan ko siya sa kuwarto saka nagpunta sa cellar. Naglatag ako ng malaking tarapal saka bumalik sa kuwarto. Naroon siya, nakangiti. Parang wala na lang sa kanya ang mga mangyayari. Siya na mismo ang tumayo at tumalikod, nasa likod niya ang dalawang kamay saka ko tinalian ng lubid. Dinala ko siya sa baba saka itinulak sa inilatag na tarapal.
Wala siyang reaksyon. Nakatingin siya sa gilid kung saan nakalapag doon ang isang dosenang kahon ng tape.
Sinimulan kong balutin ng tape ang dalawa niyang paa, paakyat sa tuhod, hita, baywang, katawan, hanggang dibdib. At bago ko ipagpatuloy roon, nagsalita siya, "Malay mo, kapag nawala na ako, hindi na talaga ako babalik. Siguraduhin mo lang...siguraduhin mo..." saka siya ngumiti.
Ipinagpatuloy ko ang pagbalot sa kanya gamit ang natitirang tape. Maya-maya, makikita sa lapag na nangingisay-ngisay na siya. Siguro, naghihingalo na dahil wala nang malanghap na hangin, hanggang sa para na siyang isdang pumapasag. Sa isang malalim na paghinga, mapapansin hindi na siya gumalaw uli.
***
Gamit ang isang palakol, hinati-hati ko siya mula sa paa, tuhod, hita, kamay, braso, balikat, at ulo. Ragasa ang daloy ng dugo. Nagsimulang lumalansa ang paligid nang dahil sa pagtadtad ng mga laman-loob niya. Lahat ng iyon e diretso agad sa nagliliyab na sunugan, sinasamantala ang lakas ng apoy. Sinisigurong walang iiwanang bakas. Babantayan hanggang maging abo ang lahat ng piraso ng katawan niya habang ramdam ko na ang pagod, paghahalo ng pawis, at malansang dugo. Hindi kinakaya ng face mask ang tindi ng itim na usok kaya maya't maya rin ang paghihirap ko sa paghinga. Papaumaga na nang matapos ako sa paglilinis, sinisigurong walang bakas ng pagkatay sa kanya. At ang mga abo, itinapon ko sa isang imburnal.
***
Natahimik naman ako dahil wala na siya. Pero, hindi pa rin ako mapalagay. Wala ako sa sarili. Naroon ang pag-aalala na paano kung may kaanak na maghanap sa kanya? Naireport na ba siya sa mga otoridad? May nakakita ba na ako ang huli niyang nakasama? Matutunton kaya ako? Taga-saan ba siya? Saan ba ang probinsya niya? Sino-sino ba ang mga kakilala niya?
Masisisi mo ba ako kung ganito ako mag-isip? Nakapatay ako. Sana nga, bangungot ko lang ito pero hindi, gising ako nang mangyari ang lahat.
Hindi raw nila alam kung sino ang taong tinutukoy ko ayon sa mga napagtanungan ko. Wala rin ito sa record ng HRA ng company nang maghanap ang kakilala ko roon. At sakali man, wala siyang naaalala na nagkaroon ng ganoong katulad na empleyado sa company na ito.
Dagdag niya, "Kung alam mo sa sarili mo na hindi mahalaga ang taong iyon e huwag mo nang hanapin."
Hindi na ako nagsalita. Pinalipas ko na lang ang mga araw hanggang mawala ang pangamba ko tungkol doon.
***
Makalipas lang ang ilang araw, natahimik ang buhay ko mula sa pagmamanman ng taong iyon. Wala nang sumusunod sa akin. Wala nang alinlangan. Iyon ang akala ko.
Dahil habang humihigop ng kape, may tumawag sa akin. Paglingon ko sa likuran, doon ko na siya nakita.
Comments
Post a Comment