Hinagis
"Magbibihis na ako, ibigay mo na sa akin ang brief ko."
"Ayoko," itinulak niya ako, "Humiga ka dyan!" at nagpatuloy siya sa tinatrabaho niya.
Madilim sa buong kuwarto kaya kinapa ko ang kama. Nakuha ko ang brief ko na abot-kamay lang, pero agad niyang inagaw pagsuot ko sa paa saka hinagis niya sa malayo, sa gawi ng pinto. Dinig ko pa na humampas ang brief ko sa pinto ng kuwarto na tatlong metro lang ang layo mula sa kama.
"Mamaya ka na magbihis, hindi ka pa nga nilalabasan sa akin, eh!" at nakatikim ako ng sampal mula sa kanya.
"Nyeta, ba't nanampal ka pa?!"
"Gago ka ba?! Hindi kita sinampal, kaya manahimik ka dyan!"
Pero, umuungol na ako sa sarap ng ginagawa niya.
"Ang ingay mo naman!"
"Masarap, eh. Pero itigil na muna natin, kailangan ko nang magbihis."
Hindi niya ako pinakinggan. Sa halip, nag-ala cowboy na siya sa akin habang panay ang ungol niya.
"Hoy, ikaw!" kunwari, may kausap ako roon sa madilim na sulok malapit sa pinto. "Pulutin mo nga yung brief ko dyan saka mo ibigay sa akin, magbibihis na ako, dali."
"Puta ka, huwag kang manakot ng ganyan—" natigilan siya. May tumama sa likod niya na bumagsak sa tabi niya. Pinulot niya ito saka nagtaka kami nang makita ito pagsindi ng ilaw sa tabi.
May naghagis nga ng brief ko mula sa pinto pabalik sa amin.
Comments
Post a Comment