Professor Jonathan Brook

Noong nakaraang buwan ko pa naririnig ang mga palitan nila ng kuro-kuro tungkol sa isang online investment group. Madalas kong marinig sa kanila na kumita na raw ng malaking dolyar ang isang kasamahan tuwing magtatagpo sila sa isang lugar. Matutuwa sila, maririnig ang tawanan, at minsan, magwawaldas pa sila ng oras para makahikayat pa ng iba.

Sayang naman daw kasi ang tinatawag nilang "promo code" kaya bakit hindi?

Isa ako sa mga pilit na hinihikayat ng isang sumali sa tinutukoy nilang investment group nang sumapit ang bigayan ng sahod nitong July 25. Ang sabi niya, marami na raw silang sumali rito dahil malaki raw ang kinikita nito. Maganda raw ang balik na hindi ko alam kung napapakinabangan nga ba nila nang husto bilang baguhan pa lang sa platform na iyon.

So, balik sa akin: ang ayoko tuwing hinihikayat ako sa isang bagay e gagamitin ang kahinaan na meron ako para lang masunod ang kagustuhan nila, yung pabor sa kanila. Iyon ang estilo ng isang lumapit sa akin para sumama sa investment group na ipinagmamalaki nila. Nakakairita pero hinayaan ko siyang magsalita kahit pa naroon ang mga bulong sa sarili ko na huwag sasali at ang dahilang ayokong sumali.

Nag-aalangan daw siya noong una, maging ang ibang mga sumali, pero kinalaunan, maayos naman daw ang naging takbo ng pag-invest nila. Tuloy ang paghulog tuwing sasapit ang mga itinakdang oras na ibinigay sa kanila ng kanilang banyagang advisor na tinatawag nilang "Professor Brook" na naka-base sa ibang bansa, at presto, makikita nila ang maganda nitong balik.

Kung bakit banyaga pa ang nagma-manage ng perang pinaghirapan nila (investment nila) na naka-base sa ibang bansa, e hindi ko alam (pakitama na lang kung may mali man ako na nasabi). Isipin mo: pera mo, na pinaghirapan mo, ipauubaya mo sa isang taong hindi mo naman kilala?

Pero, imagine: kumikita ka ng pera sa world trading/stocks eme eme pero nandito ka lang sa Pilipinas. Ang sabi pa nga, "Let your money works for you in your own convenience, so invest wisely!" Hindi pipitsuging piso-piso lang ang kikitain mo rito, ha. Kundi, DOLYAR!

Habang hinihikayat ako na sumali sa kanila, doon niya na nabanggit ang problema kong masyadong-personal-na-hindi-ko-na-babanggitin-pa-rito, na malaki raw ang tulong ng investment na ito sa problema kong iyon, at makakatulong daw ito sa pagresolba ng financial crisis na kasalukuyan kong pinagdaraanan. Gusto ko sanang hingian ng patotoo/patunay ang kagaya niyang neophyte investor pero hindi na ako nagsalita kasi mukhang wala naman talaga.

Pero, may twist: kailangan daw mag-down ng 31k para sa registration. Dumating sa amin ang 30k naming bonus. Hatiin ko na lang daw ang nakuha kong bonus sa 15k at siya na raw ang bahala sa natitira pang 15k na babayaran ko sa kanya anytime in my own convenience kapag ako na mismo ang kumikita ng dolyar. No pressure pero nap-pressure ako sa ganoong sitwasyon dahil nakakapressure din ang mga nag-aabang na bayarin sa bahay.

Napa-"oo" na lang ako kahit naroon ang duda ko. Agad akong hinanapan ng valid government ID at kailangan ko raw sumama sa kanila para sa verification ng kung anuman iyon. Sabi ko, next week na lang.

Pero pagsapit ng linggo, sinabi ko na hindi na ako sasali matapos matuklasan ang resulta ng isinagawa kong background check tungkol sa investment group na iyon. Hindi na nila ako pinilit pa.

***

Ang totoo, ayoko talaga noong una. Sabi ko nga, let's face the reality at pairalin ang practicality sa sasapitin ng matatanggap na sahod (noong July 25). Sinabi ko ang sitwasyon ko sa bahay kaya initially, heto ang listahan:
  • Kailangan ng bunso namin ng allowance para sa OJT niya out of town
  • Bayad ng isang buwang pending sa dorm niya (noon pang May 2026)
  • Si mama, may personal matters na kailangang laanan ng allowance (at kailangan ding bigyan ng karagdagang allowance para sa bahay)
  • Allowance din na pagkain sa bahay na sasapat hanggang sa susunod na cut-off
  • Pagkain ng apat na aso at dalawamput walong pusa
  • Tubig (dalawang buwan)
  • Kuryente (dalawang buwan)
  • Internet
  • Insurance
  • Bigas
  • Gasul
  • Naniningil ng utang (tatlong buwan)
  • Hinuhulugan sa online lending app
Ang ending, apparently, naubos agad. Php 947.75 ang literal na natira sa bank account ko. 75k pa ang pending ko na utang at patuloy pang lumalaki dahil sa interes.

Sa mga nabanggit kong expenses, wala pa ako sa listahan. Wala akong lugar sa sarili kong sahod. Hindi ako kasama sa listahan ng SARILI. KONG. SAHOD. Bahay-trabaho pa ang ruta ko sa lagay na yan.

Ano na lang ang sasapitin ko kung maghuhulog ako ng sinasabi nilang 15k? Iyon na lang ang inaasahan ko/naming lahat para makaangat sa aspeto ng financial. Wala rin naman may gustong tumulong sa akin sakaling maubusan ako ng allowance, hindi rin mismo ang nanghihikayat sa akin na sumali sa ipinagmamalaki nilang investment group lalo na ngayong hindi sumapat sa akin ang 30k na bonus.

Parang regla lang ang sahod na after 3 days, wala na.

Isa pa, hindi ako maaaring mawalan dahil ako na lang ang inaasahan ni mama saka ni bunso namin. Malamang, tututulan itong paglaanan ng allowance dahil wala ito sa plano ng sahod (transparent ako sa aspeto ng financial dito sa bahay para alam ng lahat kung saan mawawaldas ang sasahuring allowance).

***

Eh, diba, nag-background check ka?

Oo. Ang sabi, crypto currency ang tinutukoy nilang investment o trading—basta ganoon na 'yon. Wala akong alam doon, kaya iyon din ang pangalawang dahilan kung bakit ayokong sumali. Sabi ko, ayokong sumugal sa isang bagay na hindi ko alam gawin para walang sorry not sorry sa huli.

Anyway, ipinakita nila sa akin ang app na ginagamit nila. Monitored at safe (daw) kasi makikita roon ang funds na ininvest mo at ang actual na galaw ng market sa pamamagitan ng line graphs sa kanilang portfolio.

Nakita ko na meron ito sa Apple App Store at Google Play pero pinagbawalan akong mag-download dahil hindi raw iyon basta na lang dina-download. Kailangan pa raw dumaan ang pag-download nito sa tinutukoy nilang "Professor Brook" pagkatapos ng verification ng personal information...na medyo off sa akin dahil sa kanya pa raw manggagaling ang isang link o code para sa initial registration.

Isipin mo: kung libre lang naman na makukuha iyon sa app store e bakit kailangan pang dumaan sa kanila ang pagdownload lang ng isang app? Hindi naman ako baldado. Hindi rin naman ako tanga. Kung ano ang kinalaman ng link o code na iyon e hindi ko alam. Kuwento nila yun.

***

Tinandanan ko ang pangalan ng app na iyon at nag-background check pag-uwi ko mismo sa bahay. Heto ang nahanap kong impormasyon na tugma sa tinutukoy kong app:

SEC Issues Cease and Desist Order vs. Fidelity Capital Investment Group, YEPBIT
— Wednesday, February 4, 2026 at 11:27 AM

The Securities and Exchange Commission (SEC) has issued a Cease and Desist Order (CDO) against Fidelity Capital Investment Group (FCIG) and YEPBIT Exchange Pty. Limited (YEPBIT) for allegedly engaging in unauthorized investment-taking activities in violation of the Securities Regulation Code (SRC).

Based on reports and monitoring conducted by the Commission, FCIG and its agents were found to be actively soliciting investments in Region II, particularly in Isabela, through seminars, meetings, and social media platforms. The group promoted the “FCIG-YEPBIT Investment Trading Project,” which promised high returns with investments ranging from USD 500 to USD 3,000, using a trading platform called YEPBIT and GCash for transactions.

The SEC confirmed that FCIG, YEPBIT, and their agents are not registered with the Commission and do not possess the required licenses to solicit investments from the public. Despite the issuance of an SEC Advisory on 27 January 2026, promotional activities allegedly continued.

Due to the ongoing risk to the investing public, the SEC deemed it necessary to immediately halt the operations of FCIG and YEPBIT through a Cease and Desist Order, promulgated on 02 February 2026, under SEC CDO Case No. CDO-ILAEO-2026-001.


Securities And Exchange Commission Philippines (SEC) Issues Cease And Desist Order Against Fidelity Capital Investment Group (FCIG) and Yepbit Exchange Pty. Limited (YEPBIT)
— Wednesday, February 4, 2026 at 3:48 PM

The Securities and Exchange Commission has ordered FIDELITY CAPITAL INVESTEMENT GROUP (FCIG) and YEPBIT EXCHANGE PTY. LIMITED (YEPBIT), and individuals or entities acting on their behalf to stop offering or selling unregistered securities.

FIDELITY CAPITAL INVESTMENT GROUP (FCIG) and YEPBIT EXCHANGE PTY. LIMITED (YEPBIT) have not secured the necessary licenses from the SEC, as required under the Securities Regulation Code.


Sa iba pang kaugnay na balita sa abroad mula sa The High Street Journal at Citi Newsroom, naglabas na ng abiso sa publiko nitong July 15, 2026 ang Security and Exchange Commission ng bansang Ghana laban sa Yepbit Exchange Pty. Limited (o Yepbit) at sa investment messaging app nitong Bonchat dahil sa pagpapatakbo ng fraudulent investment scheme sa kanilang bansa.

Ayon sa SEC ng Ghana, walang pinanghahawakang regulatory license ang serbisyo ng Yepbit at Bonchat na ilegal na nago-operate sa kanilang bansa.

Tinatayang aabot sa isang milyong cedis o higit walumpung libong dolyar ang natangay sa mga biktima sa kani-kanilang mga platform na kasalukuyang naka-shutdown matapos patawan ng suspensyon ang platform sa utos ng kanilang lokal na otoridad.

Binalaan naman ang publiko na mag-iingat at maging mapanuri sa mga sasalihang investment group, at hinihikayat na i-report sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang investment group o platform upang hindi mabiktima ng ganitong uri ng investment scam.

***

Sa isang blog post ni BehindMLM, nagbigay ng abiso ang mga otoridad ng Australian Securities and Investment Commission laban sa Yepbit, na hindi ito rehistrado at hindi lisensyadong trading platform sa bansang Australia, kung saan doon ito nagmula. Pinaniniwalaang mga Chinese scammer ang nagpapatakbo sa likod nito gayundin sa messaging app nitong Bonchat, nagtala ito ng mga daan-daang ulat ng pag-scam mula nang magsimula ito noong taong 2021, at idinagdag sa listahan ng Alert List ng ASIC.

Professor Jonathan Brook
Still image of A.I. video of Professor Jonathan Brook

Si Jonathan Brook, o mas kilala sa alias na "Professor Brook" ng mga investor sa platform ng Bonchat, ang siyang CEO ng Yepbit, ay pinaniniwalaan ding isang gawa-gawang A.I.

***

Habang sinusulat ko ito ngayong August 05, hindi na makita sa Google Play at Apple App Store ang nabanggit na app. May ilang mga report na hindi na rin daw ma-access ang nabanggit na app at nagtatanong na ang lahat kung ano na ang mga susunod na gagawin para mabawi ang perang naiwan doon ng mga nag-invest.

Hindi ko alam kung sino sa kanila ang pinakaunang sumali sa investment group na 'yon. Sana, nagkaroon man lang muna siya (o maging ng mga sumali) ng background check kung lehitimo nga ba rito sa bansa ang serbisyo ng nabanggit na investment group, bago manghatak ng iba pang mga kasamahang gusto lang namang umunlad at kumita nang malaki sa hindi mapanlamang at mapanlinlang na paraan.

Sana, mali ako. Sana, mali rin ang mga sinasabi ng mga report.

***

References:

Comments