Usad
Pero, hindi. Nagpatuloy ako. Alam ng mga kasamahan ko iyon. Walo kaming magkakasama pero dalawa nga lang ang pumasa. Nakikiramay na sa akin ang isang kasamahan kahit hindi ko pa nakikita ang katotohanan.
Paano na niyan?
Baka nga hindi para sa akin iyon kaya bakit ko pa susubukan uli? Yung mga sumusuporta sa akin, nag-aabang, nagtatanong, naiirita, at naiinip na sa susunod na mangyayari sa akin. Kailangan kong ipakita sa kanila na may maiaambag na ako para sa sarili ko at para na rin sa kanila sa lalong madaling panahon.
Wala na dapat responsibilidad ang mga sumusuporta sa akin kaya hindi na ako nagpatuloy. Iyon na siguro ang pagkakamali ko pero hindi naman ako nagsisi. Tiniis ko ang lahat ng sakit ng mga sinasabi nila sa akin dahil, ano nga naman ang magagawa ko kung wala talaga, diba?
Inutil na kung inutil.
***
May iba pang option: Mag-AFPTAB sa TRADOC, naipasa. Nag-apply sa TRADOC, sa MECHANIZE, sa INTELLIGENCE, sa ASCOM, sa AIRFORCE, pero wala akong napala. Yung mga huling nag-apply, sila pa ang unang nakuha kaysa sa akin, at iyon ang patunay na buhay ang sistema ng padri-padrino rito sa Pilipinas.
Putang ina nilang lahat.
Napadpad ako sa FSRR sa San Miguel, Bulacan. Nagkaroon ng pag-asa para muling ibangon ang sarili. Inilaban ko kahit alam kong magiging mahirap, pero kahit pala gawin ko ang lahat e wala pa rin.
Pinauwi kami pagsapit ng pandemya dahil binawi (raw) ng mga buwayang opisyal ng FSRR ang budget para sa training namin. Naghahabulan kami ng lockdown sa bawat bayan bago ako himalang nakauwi ng Tarlac nang walang napala.
***
Ang tingin ko sa sarili, nagpapatuloy lang sa kawalan, umuusad tungo sa walang kasiguraduhan.
Comments
Post a Comment