Posts

Showing posts from 2024

Tingin

May nakatingin sa akin habang umiihi ako sa urinal. Siguro, mali ko nang magpantay ang paningin naming dalawa pagpasok ko sa men's room. Nadatnan ko siyang naroon sa isang urinal, napatingin, hanggang sa sinundan niya ako ng tingin. Kaya lang, hindi siya bumaling ng tingin. "Hi!" bati ko na lang. Ngumiti lang siya at napangisi habang nakatingin sa akin. Nagpagpag ako at naghugas ng kamay. Habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin, napansin kong humarap siya sa akin, nakita ko pa ang kanya na unti-unti niyang ibinalik sa loob ng puti niyang brief bago itago sa loob ng kanyang pantalon. Sa pagkabigla, napabulong ako ng wirdo! Sinundan niya pa rin ako ng tingin palabas ng men's room. *** Pinagpawisan ako sa kung anuman ang naganap sa men's room kaya dinampot ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang butil ng pawis sa noo, at sa magkabilang pisngi. "Uy, hi!" bati ko sa isang kasamahan pero hindi siya umimik. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad. Bago ako lu...

Palagi

Image
Kung hindi ako nagkakamali, mabigat na ang pakiramdam ko noong araw na iyon. Hindi ko na sinabi sa kanya na may lagnat ako pero nasa loob ng katawan ko. Ang balak ko sana noong araw na iyon e magpahinga na lang dahil unti-unti nang nagiging ubo ang sipon ko. Napansin ko iyon dahil nangangati na ang lalamunan ko. Ang usapan, magkikita kami ng mga ala seis ng gabi. At dahil hindi ako nakalabas agad dahil sa audit, nakarating ako ng Tarlac sa oras ng alas siyete ng gabi. Hindi pa gaano maganda ang panahon dahil malakas ang hangin at umaambon...na maya-maya'y naging ulan. Doon ko napagtanto ang kahalagahan ng gamit ng payong. Pagtingala ko sa lilim, nakita ko ang dami ng patak ng ulan na naiilawan sa itaas ng isang building sa likod ng bus terminal, sa Siesta Tarlac. At dahil wala akong dalang payong, sinabihan ko na siya na manatili na lang sa bahay nila at huwag nang lumabas. Di baleng ako na lang ang mabasa kaysa siya para hindi na siya magkasakit pa. Nagtanggal ako ng polo para gaw...

Sa Table 4

Hapon. Malakas ang ulan. Madilim ang paligid. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng mirror wall nang bigla niya akong tapikin. Bigla akong natauhan. "Nakikinig ka ba? Ano bang tinitignan mo dyan sa ibaba?" tanong niya. Iritang-irita. May nakadikit na poster sa salamin ng restaurant kaya hindi ko makita kung sino ang nasa kabilang salamin, sa labas. Ang nakikita ko lang mula sa kinauupuan ko ay ang dalawang paa na walang suot. Kung hindi man punit o nangitim, e nawawala ang mga kuko nito na parang sinadyang baklasin. Yung mga daliri niya e halos pudpod na o parang pinutol tapos yung kulay ng balat e namumuti. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatingin sa mga paa na iyon. Sa palagay ko, mali na ang nakikita ko dahil mukhang hindi naman ito nakikita ng iba. At sa sarili ko, naroon ang matinding emosyong kanina ko pa pinipigilang itago sa kasama ko. Hindi ako namamalik-mata: nakalutang sa ere ang dalawang paa na bigla ring nawala! "Yung chips at pasta, ubusin na na...

12th

Image
Saturday, June 08, 2024 Sa kabila ng pagiging maabala sa buhay—sa pamilya, sa trabaho, sa karelasyon, sa kaibigan (pero wala nang panahon para sa sarili)—heto tayo, magdiriwang pa rin kahit pa madalas tayong napapagod, nauubos, at nakakalimot. Happy 12th anniversary!

Tatlong Buwan

Paggising ko, napansin kong nakakabingi ang katahimikan ng umaga. Matagal akong nakahiga bago ko naisip na bumangon at buksan ang bintana. Pagbukas, agad kong naramdaman ang malamig na paghihip ng hangin sa mainit kong katawan. Ramdam ko pang parang nanoot ang lamig sa kalamnan ko. Maya-maya, unti-unti ko nang narinig ang ingay ng mga kulisap at huni ng mga ibon sa mga puno. Tanaw sa bintanang kinaroroonan ko ang magandang hardin na hitik sa makukulay na bulaklak, na dahil sa sobrang pagkamangha e halos hindi ako makahinga dahil sa ganda. Dagdag pa rito ang ingay ng mga puno na banayad na hinihihip ng hangin na masarap pakinggan. Nasa gitna ng hardin na ito ang isang magandang fountain na nagbubuga ng tubig sa ere, na siya namang naglilikha ng isang magandang reflection ng rainbow sa ilalim nito nang dahil sa liwanag ng araw. At sa paligid nito, padapo-dapo sa mga bulaklak ang makukulay ding mga paruparo. Habang boxer brief lang ang suot ko sa katawan, bumaba ako sa kuwarto at nagpunta...

Birthday

"Kailan ba ang birthday mo?" Inililihis ko na ang usapan kapag ganito na ang tanong ng sinuman sa akin. "Ilang taon ka na ba?" Kapag mapilit ang kausap ko, ang ginagawa ko e hindi na ako umiimik. Mananahimik lang ako, hindi ko sasagutin ang tanong, hanggang sa titignan ko na lang nang masama ang kausap ko para tumigil na siya sa pagtatanong. "Mahalaga pa bang malaman mo kung kailan ang birthday ko?" tanong ko sa kanya. "Oo naman. Kasi gusto kita. Para naman pagdating ng birthday mo, gusto ko, i-celebrate nating dalawa. Tapos reregaluhan kita." Ngumisi lang ako. Ako? Gusto niya? Joke 'yon?! "Seryoso nga ako," sagot niya. Seryoso rin ako kaya nanahimik na lang ako. *** Ang totoo, hindi ko na alam kung kailan ang birthday ko. Hindi ko na alam dahil kinalimutan ko na. Ewan ko, basta hindi na iyon mahalaga sa akin kaya kinalimutan ko na. Well, I do remember that my dad surprises me a birthday party na kaming pamilya lang ang magkakasama ...

Sabay

Umaga. Rush hour. Nagmamadali na ako sa paglalakad dahil ilang sandali na lang, iiwanan na ako ng company service sa San Miguel. Maya-maya, nagkasalubong kami sa kanto. Parang sinadya pa na nagmula kami sa magkatapat na kanto pauwi sa amin at biglang magtatagpo sa crossing. At dahil papunta kami sa iisang destinasyon, alam ko, pareho kaming nagmamadali. Noong una, nginitian ko siya. Alam kong hindi niya makikita ang ngiti ko dahil may suot akong face mask. Siguro naman e napansin niya iyon sa mga mata ko nang magpantay ang paningin naming dalawa. Nginitian ko siya dahil gusto kong magmukhang mabait para sa paningin niya. Gusto ko siyang makilala at syempre, maging kaibigan. Mukha naman siyang mabait. Naglalakad kami nang sabay pero nasa magkabilang kalsada. Napansin ko na maya't maya siyang tumitingin sa akin. Oo, alam ko dahil maya't maya rin ang tingin ko sa kanya. Sa sobrang bilis niyang maglakad, nakalayo agad siya sa akin. Hindi ko siya mahabol. Binato niya pa ako ng isang...

Siphayo

"Narinig ko ang nangyari, ayos ka lang ba?" tanong niya. "Ayos lang, maliit lang naman 'to," sagot ko. Nagulat ako nang tumabi siya sa akin. Nasa canteen kami, doon sa sulok kaya nakakapag-usap kami nang maayos. Nagbukas siya ng apple juice, uminom ng ilang lagok, saka lumingon sa akin. "Hindi ako sanay na ganyan ang hitsura mo. Ang daldal mo tapos heto ka, bigla kang tahimik." Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ako umimik. Palagay ko, nalaman niya agad kung ano ang pinagdaraanan ko, "Kitang-kita naman sa hitsura mo," saka siya napangisi, iyon bang makahulugan. Umiwas ako ng tingin. "Mahirap bang intindihin ang paraan ko ng pagsasalita para hindi ako maintindihan?" "Tingin ko, nasa dalawa lang 'yan: Una, hindi ka maintindihan; O pangalawa, ayaw kang intindihin dahil iniisip lang nila ang para sa sarili lang nila." "Kung ganoon, mukhang nagwawaldas lang ako ng laway rito." "Eh, kung lawayan kita?" ...

Sorry

Mahal ko na siya at ayoko na siyang mawala pa sa akin. Sabi ko nga sa sarili, gagawin ko ang lahat para lang hindi siya magalit o magtampo. Sa huli, hindi rin naging kami. Kasalanan ko. May pagkakamali rin ako. Pero maliit na bagay lang iyon. "Isa pa 'yan," dugtong niya. "Sawang-sawa na ako sa mga 'sorry' mo!" Hindi ako nakapagsalita. Kinuwestiyon ko ang sarili. Ganoon na ba talaga katindi ang kasalanan ko sa kanya? Masama na bang humingi sa kanya ng taos-pusong 'sorry' para lang hindi niya patawarin nang ganoon na lang? "Eh, baka naman kasi sumosobra ka na. Inaraw-araw mo. Nakakasawa rin namang makarinig ng 'sorry' mula sa mga paulit-ulit na pagkakamali," sabi naman ng isang kaibigan. Hanggang sa lumipas nga ang mahabang panahon, hindi ko na binabanggit ang salitang 'sorry' tuwing nagkakamali at siguro, hindi ko na rin alam kung paano at kailan lang ito gagamitin. Pakiramdam ko mula noon, lagi akong mali at bawal ko nan...