Posts

Showing posts from 2026

Matinis

"Napakarami ko nang ikinuwento! Hindi ko alam kung may kasama pa ba ako rito o wala, eh!" Pinagtinginan kami ng mga tao mula sa ibang table. Matinis ang boses niya kaya dinig ito ng mga nasa paligid namin. Hindi na siya nakapagtimpi pa ng pagkairita. Gaya ng lagi, hindi ako okay. Pagod ako sa lahat—sa trabaho, sa bahay, sa sarili. Napakarami kong iniisip kaya, malamang, maiintindihan din ako ng ibang tao na nasa kaparehong lagay na gusto lang umupo at magmulala lang, nakatingin sa kawalan, magpapalipas ng oras hanggang mawalan ng pagod. Pero... "Kanina pa kita napapansing panay ang tingin mo sa likod, ano bang meron?!" nanggigigil na siya sa akin. Lilingon nga ako sa likuran ko. Makikita ko ang tatlong batang babae na masayang naglalaro sa play area. Sigaw sila nang sigaw. Matitinis ang boses nila. Nakakarindi. Masakit sa tainga. Nakakairita. Kanina pa sila ganyan. Sila ang dahilan kung bakit hindi ko maintindihan ang mga ikinukuwento't sinasabi ng kasama ko. Hi...

Si Terminal

Image
Si Circuit at Si Junction Trainee pa lang ako nang maka-fling ko ang isang kapwa trainee na itago na lang natin sa pangalang Circuit . Sabi ko sa kanya, huwag niya nang sasabihin sa iba ang kung anuman ang ginagawa naming dalawa—pumupunta sa bahay nila pagkatapos ng trabaho at manlalambot pagkatapos magparaos sa kanya. Wala naman akong naging problema sa kanya kasi nilulunok niya lahat para walang kalat, walang bakas. Nagtagal ang ganoong set-up naming dalawa ng apat na buwan. Kapag nalibugan, sa kanya lang ako nagpaparaos. Kapag gusto niyang sumubo, sasama lang ako sa place niya. Natigil na lang iyon nang sabihin niya sa iba ang tungkol sa ginagawa naming dalawa. Pagsapit ng January 2021, ang sabi niya, nagseselos daw siya dahil crush daw ako ng isa sa mga kasamahan niya sa kabilang variant ng linya namin. Tatawagin na lang natin siya sa pangalang Junction . Hindi ko siya kilala kaya nagkaroon ako ng interest na makilala siya. Alam mo na, to make more friends. Nag-add nga rin pala siy...

Sa Bahay na Ito

Napanaginipan ko kaninang umaga si Pindong—ang tatay kong si 'Daddy Ferds'. Ang eksena, nagkita kami ni Francis Demetilla (na ipinangalan nilang Francis Demetilla Calicdan). Hindi naman inaamin ni Pindong, maging ang mga tiyahin ko at pinsan, kung kapatid ko nga ang nabanggit na dalaga. Yes, babae ang tinutukoy ko ritong Francis Demetilla Calicdan. Kung bakit babae pero bininyagan ng pangalan ng panglalake e hindi ko alam. Kuwento nila yun. Sa panaginip ko, maayos naman daw ang pakikitungo sa akin ng Francis na ito. Nag-uusap kami, masaya. Not until na mapansin ko nga ang maya't maya niyang pag-irap-irap sa akin with no apparent reason hanggang mahinto na lang siya sa ganoong attitude niya nang bulyawan ko siya nang malakas sa mukha niya. Hindi ko pa siya nasasampal sa lagay na iyon, gaya ng walang-awang pananampal na laging ginagawa ni Pindong sa mga ate ko hanggang magdugo. Hindi ako 'against' kay Francis, kapatid ko man siya o hindi. Ampon man siya ni Tito Bong (...

Food Poisoning

Nakatingin ang lahat sa head ng catering ng canteen na kasalukuyang nakatulala (yung para bang nagulat) at hindi nagsasalita. Nakatayo siya sa tabi ng entrance ng service area, dinadaanan lang siya ng mga tao, tapos umiiyak. Nagbubulungan ang isang grupo na kumakain sa isang malayong lamesa, "May lumapit na lalake sa kanya tapos sinabihang hindi raw masarap ang pagkaing niluluto nila." "Masama ang loob niya e totoo naman," bulong naman ng isa. "Ayan ang mahirap: ambaba na nga ng pasahod sa atin, kakain pa tayo ng hindi masarap. Sana, kahit doon man lang sila bumawi sa atin kasi puro tayo hataw sa trabaho. Nakakapagod na nga, hindi pa malunok ang pagkain. Nakakasawa na, sa totoo lang." "Bakit kasi hindi pa kayo nasanay na ningas-kugon lang sila tuwing pasko, bagong taon, at company anniversary?" sabay halakhak ng isa pa. "Girl, hindi rin naman masarap ang pa-free meal nila noong company anniversary," puna ng isa. "Baka nakalimutan m...

14th

Image
Hindi napaghandaan ng isip ko ang taon ng 2026. Akala ko, ito na ang taon nating lahat para maghayahay mula sa mga kapestehang dulot ng 2025 pero hindi pa pala. Mailalarawan ko siguro ito na mabigat, magastos, at masakit for whatever it means pero sa kabila ng mga ups and down, heto pa rin tayo, moving forward pa rin sa mga bagay-bagay. Kasi, diba, ganoon naman talaga: walang mangyayaring maganda kung hindi tayo uusad. Oo, nandyan na ang damage ng problema pero walang mangyayari kung pare-pareho tayong nagsisisihan. Kung may problema, doon na tayo agad sa paggawa ng solusyon para matapos na ang usapan, tapos lesson learned na lang. Pero kung ikaw mismo yung tao na wala ka na ngang ginagawang solusyon tapos puro ka pa paninisi e iumpog mo na lang ang ulo mo sa pader para tapos na rin ang usapan natin at para mabukulan ang problema. Paangat ang kailangan natin sa buhay at hindi palubog. Wala lang. Nagsasabi-sabi lang ako dahil wala lang akong masabing maganda. Mag-iingat na lang ha, at h...

Alinsangan

04:00 Giniginaw ako at nawawala ang kumot. 05:00 Mararamdaman na ang alinsangan. Noong nakaraang panahon ng amihan, mas gusto kong naliligo ng mainit na tubig (yung tipong dapat sumipol nang malakas ang takure sabay buhos ng kumukulong tubig sa timbang may malamig na tubig). Pero ngayon, pagbuhos ko, mainit ang tubig. Sakto lang ang lamig na mabilis ding umaalinsangan. At pagkatapos kong maligo—hindi ko pa nahahawakan ang tuwalya para magpatuyo ng katawan—nag-uunahan na ang butil ng pawis sa noo ko. 06:00 Parang alas otso na ng umaga. 07:00 Marunong na nga yata mag-advance ang oras. Minsan maiisip ko kung Philippine Standard Time pa ba ang ganitong oras? Parang alas nueve o alas dyes na ng umaga ang sikat ng araw. Masyado na yata ang pagpapabibo ng mundo sa pagpapabilis ng ikot niya. O, baka nga totoo na yung tinatawg nilang "Climate Change is Real!" kaya apektado pati ang ikot ng mundo...na mukhang papalapit nang papalapit sa araw. 08:00 Fully airconditioned ang buong kumpan...

Unggoy

"Anong ginagawa mo dyan?" nagtanong siya nang mapansin niyang nananahimik ako sa isang sulok. Napakunot siya ng noo sa sagot ko, "Nanonood ako ng unggoy." Pareho lang din ang naging reaksyon niya nang sumunod na araw na may halong pagpuna, "Unggoy na naman ang pinapanood mo ang pangit!" O, at bakit hindi? Walang masama sa panonood ko ng mga short video sa YouTube tungkol sa mga unggoy. Wala akong nakikitang mali kung unggoy ang pinapanood ko. Nagpatuloy siya, "Malapit mo nang maging kamukha ang mga unggoy na 'yan!" na hanggang maging "Nanonood ka na naman ng unggoy, mukha ka nang unggoy!" saka siya ngingisi...na nagiging halakhak. Hindi ako sumagot nang magtanong na siya, "Bakit ka ba kasi nanonood ng unggoy?" "Ewan, hindi ko alam." O puwede rin sigurong hindi ko masabi kung bakit. Ano't ano pa man, parang nabuhay uli sa sarili ko ang pagkaaliw ko sa mga unggoy. Satisfying my inner child? Lukso ng dugo! *** H...

After Grad

Image
Wala na. Iyon lang. Hanggang doon na lang ako. Iyon ang naisip ko. Bigla akong nanibago sa buhay ko. Para akong dinadala sa isang lugar na hindi ko alam kung saan papunta, kung ano nga ba ang naroon sa dulo ng nilalakaran ko na naghihintay sa akin, o kung may hangganan ba ang patutunguhan ko. Wala akong makita sa hinaharap habang parang dumidilim na ang nakaraan. Hanggang dito na lang yata talaga.

Disposable

Nagsimula ang lahat sa straw. "Bakit basa ang loob ng straw?" reklamo ng kasama namin sa serbidora ng school canteen. Wala kaming magawa noong mga panahon na iyon. Palibhasa, malapit na ang bakasyon. Isang subject lang ang pasok namin at dahil hindi pa namin gustong umuwi, tumambay lang muna kami sa school at naglibot sa buong compound. Nakaramdam na kami ng gutom pagsapit ng hapon at nagpasyang magmeryenda sa canteen. At habang sumisipsip na ako ng soft drinks, nagreklamo ang isang kasama: "Bakit basa ang loob ng straw?" Hindi ko na iyon napansin dahil sinaid ko na ang pagsipsip ko kasama pa ang hangin saka ko inilapag ang bote. "Gumagamit ba kayo uli ng mga tinapon na straw?" tanong ng isa. Hindi ko na alam kung ano pa ang idinahilan ng serbidora ng canteen na masyado nang defensive. Kinabukasan, bumili ako ng soft drinks. Kinilatis ko ang straw bago sumipsip. At iyon nga, napansin ko, basa nga ang loob ng straw—tanda iyon na nirecycle: pinulot, hinugasa...