Posts

Showing posts from 2018

Piko

Step-palda, step-posporo, step-bulaklak at step-bahay. Pagkatapos naming maglaro ng tumbang preso o paaway noong bata pa kami, ito lagi ang sunod naming nilalaro noon. Lalake, babae, bata, o matanda, sa tuwing nakikita na ng iba na ito na ang nilalaro namin sa may kanto, marami nang sasali sa amin. Natutuhan ko sa larong ito kung paano bumalanse ng pagtayo gamit ang isang paa. Dito ko rin natutuhan kung paano umasinta ng pamato sa piko. Nakakahubog din ito ng paa dahil malalaking lundagan ang teknik sa paglaro nito. Hindi ko na kailangang mag-jogging dahil parang professional drills ng mga atleta ang mga linyang hindi namin maaaring tapakan. Mairerekumenda ko rito ang step-bulaklak. Walang biro! Sa step-palda ko naman nakilala si crush. Siya lang ang babae noon na nagtyagang nagturo sa akin ng mga basics of step-palda mula sa kung anong pamato ang gagamitin (maganda raw yung maliit na patag na bato), paano ihahagis sa baseline (dapat daw mas malapit sa baseline para ikaw ang maunan

Bakit Hindi Mo Ako Matanggap

Image
Caliber 45 "Paul, lagpas ka na sa curfew. Ala seis na ng gabi, ba't huli kang umuwi?" maotoridad na tanong sa akin ni Papa. Hindi pa ako sumasagot nang mapansin niyang kasama ko si Bryan. Kinabahan ako nang tumalim ang tingin niya sa amin. Kasama ko si Bryan dahil gusto raw niyang ipaalam ang relasyon namin sa tatay kong sundalo. Ang problema, hindi pa nito alam na nagladlad ako at galit ito sa mga baklang tulad ko. Siguro dahil sa takot, tumanggi nang tumuloy si Bryan sa bahay at sinabing pauwi na siya. "Sigurado ka bang kaklase mo lang si Paul?" tanong ni Papa. Mukhang may nalalaman na siya. "Opo, sir," sagot ni Bryan habang tumatagaktak ang pawis niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot sa tatay ko at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nagtaka kami at nakaramdam ng tensyon nang ipakita ni Papa kay Bryan ang isang piraso ng bala ng Caliber 45. "Pareho kayong lalake, bata," uminom si Papa ng alak. "Tuldukan mo n

Gusto

Image
Makalipas ang mahigit isang dekada, muli kong narinig ang magandang boses ni Jolina Magdangal sa kanta niyang Gusto. High school pa ako noon kasama ang isang 'espesyal' na kaibigan, natuwa siya nang malaman niyang nagkaroon na ako ng isang magandang mumurahing mobile multimedia 3G phone. Patago ko itong sinabi sa kanya, na kaisa-isa kong kaibigan sa klase, saka niya saglit na hiniram. Natawa ako kasi palda niya pa mismo ang ginamit niya sa pagtakip ng phone ko na hawak niya saka kinalkal ang mga laman nito. Wiling-wili siya habang nasa sulok kami ng classroom. "Wala ka man lang music," sabi niya. "Sumama ka sa akin mamaya after Algebra. Lalagyan natin 'yan ng music. Gamitin nating pang-music trip for outing." "Talaga?" namangha ako. Wala talaga akong ideya noon kung paano niya iyon gagawin. E kasi naman, wala akong alam sa mga bagong technology noong panahon na iyon. Radyo, TV, at telephone landline lang ang alam kong gamitin. At oo, hi

Lunch Break

Pagkatapos ng madugong final examination namin sa Abnormal Psychology, inabutan din namin sa wakas ang lunch break. Nararapat lang talaga sa amin ang lunch break sa kabila ng pagsagot namin ng mga katakot-takot na technical terms na mga mental illness na siyang nagpiga ng isip namin. Lalo pa nga sa akin na hindi man lang nagreview kahit hanggang personality disorder lang. Wala na rin ako sa katinuan dahil sa matinding gutom. Humiwalay na ako sa mga kaklase dahil nag-text sa akin ang isang kaibigan. Sabi ko, sasabay na lang akong mag-lunch sa kaibigan ko dahil mukhang mayroon na naman siyang problema sa nobyo niya. At hindi nga ako nagkamali! Ang kuwento, nahuli raw niyang may ibang kakangkangan ang boyfriend niya doon sa apartment nila at bilang ganti, binuhusan niya raw ng kumukulong tubig ang boyfriend niya habang abala ito sa pagkarat ng ibang babae. Literal daw na nalapnos ang balat ng dalawa saka siya nakipag-break. "Sweet revenge!" saka ako huminto sa hindi ko mapig

Ang Barberong si Brandon

Takot ako sa bago kong barbero. Ito ang ikinuwento ko kay Mark Noel alyas Mariko, ang dating assistant ni (Mama) Lito sa parlor, nang minsang magkasalubong kami sa isang maputik at mabahong eskinita. Noon ko lang napansin na gumanda siya, humaba ang mabangong buhok, at himalang pumuti at kuminis ang kutis. Isa na siyang magandang dalaga. Si Mariko ang nagsabing nakipagtanan na raw si Lito sa boyfriend niya at isinara ang kanyang unisex parlor na higit dalawang dekada ko nang pinagkatiwalaan. Masama ang loob ko sa pagkawala niya. Wala na kasi ang magaling na bakla kong barbero na mangingiliti sa akin kapag gugupitan niya na ako (the best part dito ay yung linyahan niya pagpasok ko sa parlor niya: 'Come to Mama Lito, baby!'). Mamimiss ko ang mga bomba niyang jokes, ang panghaharot niya sa akin lalo na sa daddy kong kursunada niya, at ang pambe-baby treatment niya sa akin dahil para daw sa kanya, ako lang daw ang nag-iisang guwapo niyang customer. Sayang dahil maganda at malak

Siksik sa Six

Siksik sa six dahil sa sixth anniversary ng Jay's Quirky World blog noong 06/08/18 (ihahabol ko lang dahil super late na). Madalang mang magkaroon ng mga walang kuwentang laman at posts ngayon, pasabog naman ang taong 2018 sa rami ng ups and down, good and bad news. Para sa akin, punumpuno (siksik) ng adventure ang taong ito na sana'y maikuwento ko rin dito balang araw. Yes, balang araw muna dahil medyo abala na rin ako sa ilang mga bagay-bagay sa buhay pero hindi ibig sabihin nito na balak na naming mag-shut down (tulad ng unang desisyon) dahil, tsika ko lang, fake news pala na magsasara na rin daw ang blogspot ng google ayon sa isang walang kuwentang source (muntik na akong lumipat sa wordpress) kaya long live, blogspot! Yey! Sa ngayon, may mga ilang bagay rin daw akong dapat balikan para ayusin at ituwid, lalo na nga si blog. Ang problema sa kasalukuyan, tinambakan ako ng mga naipong project na tapos na dapat sana noon pang 2016 at kinakailangan ko nang tapusin ngayon (kahit

Isang Piling Seresa Para kay Annabelle

Image
Isang hapon, magkasama kaming dalawa ni Ajin. Nagkita kami at tumambay sa lilim ng puno ng seresa at kadalasan, doon namin inuubos ang oras namin sa maghapon. Hindi naman kami nagsasawa dahil minsan, kasama rin namin ang ibang kaibigan at doon kami madalas magkasiyahan tuwing siestahan, araw-araw. Mahilig din kaming mamitas at kumain ng matamis na seresa. Pinipili namin yung mga bunga na medyo mamula-mula hanggang sa pulang-pula (yung tipong mahanginan lang ang sanga ay malalaglag na ang bunga sa sobrang pagkahinog). Minsan, mag-aagawan pa kaming dalawa ni Ajin sa pagpitas sa itaas ng puno at madalas, inaakyat namin ang pinakatuktok ng puno para tanawin ang ibabaw ng bubong ng mga bahay habang sumasalambitin sa maninipis na sanga. Hindi namin kasundo si Annabelle noon pero gusto na namin sa kanya makipag-ayos. Doon naisip ni Ajin na kumuha ng piling bunga ng seresa (yung may tangkay pa) para ibigay kay Annabelle (iyon kasi ang pinakapaborito niya, ayaw niya ng pula lang, ang gusto

Nilagang Mais

Namumukhaan ko ang dalagang iyon. Nagtitinda siya ng nilagang mais noong bata pa kami. Dumadayo siya sa barangay namin para maglako at sumisigaw ng 'nilagang mais' na lagi naming binubully ng 'nilagang utot' hanggang mapaiyak namin siya. Sa pagkakaalam ko, naglalako siya noon para ipang-aral niya at tulungan ang mga magulang. Pero ngayon, maganda na siya, de-kotse, at magaling sa Ingles. Dilaw ang pera niya kaya sinuklian ko siya saka siya umalis. Napabuntong-hininga ako at natulala. Natauhan na lang ako nang umiksena ang sutil na bata sa bangketa at ang sabi, "Hoy kuya! Pabili nga ng nilagang utot, este... mais!"

Perdible

Hindi na tayo tulad ng dati. Marami nang nagbago. Matagal na akong nananahimik pero hindi ibig sabihin nito, maayos na tayo sa isa't isa. Tandang-tanda ko pa ang mga panggagago mo noon at heto ka ngayon, naga-add sa akin sa Facebook (who you?). Sana, maging sagot ito sa tanong mo kung bakit ko binura ang friend request mo sa akin. Binura ko dahil una, ayokong makarinig ng walang silbing sumbat mula sa iyo na parang ikaw pa ang nagsalba sa akin sa panahong lubog ako sa hinanakit ng dahil sa iyo. At pangalawa, ayoko na ng gulo. Ayoko nang makipaggaguhan. Nakakapagod. At hangga't maaari, huwag mo na muling ikabit ang sarili mo sa akin na parang isang perdible na muli mong ididikit kung kailan nakikita mong mabuti na ang buhay ko at tatanggaling muli kapag nalaman (o nakita) mong bastos pa rin ako... tulad mo. Kairita, diba?

Genesis 7

Napansin ko ang isang kapitbahay na nagtapon ng isang libro sa tabi ng sapa. Tinignan ko siya nang masama. Ito kasi ang mga unang taon na nahihilig na ako sa pagbabasa noon at natuto nang magpahalaga ng mga libro, may silbi man ito o wala. Sabi ko, sayang naman ang mga punong ginawang papel para maging libro tapos itatapon niya lang? Sana, ipinamigay niya na lang iyon sa akin sa halip na itapon. Patago ko sanang kukunin ang itinapon niyang libro pero umulan na nang sobrang lakas nang sumapit ang alas dos ng hapon. Hindi tumigil ang ulan sa loob ng pitong oras. Nagbukas ako ng radyo, wala namang naiulat na may paparating na bagyo. Sabi nila, dahil lang daw ito sa habagat. Kinagabihan, naalarma na ako nang makita ko ang pag-apaw ng tubig sa sapa. Nagpanic kami. Inakyat namin ang lahat ng mga nasa lapag tulad ng refrigerator, TV, at iba pa na hindi maaaring mabasa. Yung mga pusa at guinea pigs, ikinulong namin sa kuwarto ko. Ang mga aso naman ay nanatili sa kani-kanilang higaan na hind

Granada

May granada ako rito sa kuwarto ko na nakalapag sa bintana. Wala lang, display ko lang. Napulot ko ito noong Grade 5 pa ako, doon sa restricted area ng ammo (sa may bundok), dito sa Camp Aquino pero wala ng laman (fully drain) nang mapulot ko. Nakita ko ito noon na nakabaon ang kalahati ng katawan nito sa lupa at wala na rin yung pin nito. Atis-type ito na parang may maliliit na square ang katawan na siyang magsisilbing debris nito kapag sumabog. Mas maporma at mapaminsala ito kumpara sa mansanas-type (bilog na makinis) na granada. Pero alin man ang maganda at hindi maganda sa dalawang nabanggit, delikado pa rin iyan. At nakamamatay. Wala lang. Bigla ko lang nabanggit. Hindi ko intensyon na mag-promote ng firearm dito pero naalala ko kasi ang granada ni mommy ko noon (alam kong kanya iyon na ibinigay ni daddy). Mansanas-type iyon at makinis. Iyon ang kauna-unahang granada na nakita ko sa buong buhay ko. Sabi ko, gusto ko ring magkaroon ng ganoon pero bawal sabi ni daddy. Nakakatako

Si Ophelia

"Saan ka pupunta?" Napahinto ako nang marinig ko ang maotoridad na boses ni Lola. Nakikita ko sa sulok ng paningin ko na nakatingin siya sa akin. Hawak niya ang manipis na kawayan na madalas niyang ipalo sa akin. Takot ako sa pamalo ni Lola pero mas takot ako sa kanya dahil ayan na siya, galit na naman siya sa akin! Tinignan ko siya nang mata sa mata. "Kukuha lang po ako ng tubig. Iinom po ako ng gamot," sagot ko, pilit nilalabanan ang takot. Hindi ako nakaalis agad nang marinig ko ang halakhak niyang parang nangungutya. Alam ko na kung ano ang kasunod nito na lagi niyang binabanggit: "Huwag ka nang umasang gagaling ka pa mula sa sakit mo! Wala ka nang pag-asa! Hanggang diyan ka na lang!" Hindi ko napigil na maiyak. Galit ako at gusto ko siyang saktan. Nagpatuloy ako sa kusina para kumuha ng tubig habang patuloy siya sa pagsasalita ng masasakit sa akin. Bigla akong nalungkot kaya hindi ko na lang siya pinapansin. "Nasaan na ang tapang mo? Ga