Posts

Showing posts from 2019

Agahan

Nangungupahan lang ang boss kong sundalo sa isang maliit na apartment malapit sa labas ng kampo. Naroon ako sa poder niya bilang striker. Magkasama kami tuwing kumakain pero magkahiwalay kami ng higaan tuwing natutulog--siya, sa kuwarto niyang may kama at ako naman sa sahig lang, doon sa sala. Ginigising ko ang boss ko tuwing alas kuwatro ng madaling araw para sa duty niya. Sisilipin ko siya sa kuwarto niya at tatawagin para gisingin nang hindi sinisindi ang ilaw. At habang naghahanda ako ng agahan, lalabas siya ng kuwarto na itim na brief lang ang suot (naka-brief lang siya tuwing natutulog). Titingin siya sa akin ng mata sa mata at ngingiti, babati ng 'good morning!' at pupunta sa CR para umihi na hindi man lang nagsasara ng pinto. Malamig tuwing madaling araw sa inuupahan niya kaya naiintindihan ko kung bakit bukol na bukol ang brief ni boss. Ewan ko, pero mula noon, hindi ko na napipigilang sumulyap sa brief niyang iyon habang parang nagwawala sa laki ang nasa loob nito. Ta

Formation

May magaganap na formation sa Manila: 0800 October, Lunes. Ito ang abiso ng admin. Linggo pa lang, maayos na ang mga gamit ko dito sa San Mig, Tarlac. Pagkatapos manood ng mga 'di-umano' sa KMJS, agad akong natulog ng isang oras at gumising ng mga hatinggabi. Pinili kong umalis ng hatinggabi dahil (1) mahirap mag-abang ng bus na tutungong Cubao, (2) may matagal na stop-over pa ang bus sa Dau (o minsan sa Marquee Mall), at (3) ayokong ma-stuck sa malalang trapik ng EDSA o sa Taguig. Naisip ko pa na hindi ito ang magandang oras para matulog sa biyahe kaya dilat ang mga mata ko kahit antok na antok pa. Wala pa akong masakyan ng mga alas dose y media. Nang tumambay ako sa bus stop, napagtanto kong maganda pala ang McArthur highway kapag walang sasakyan: malinis, tahimik, tapos puwedeng-puwede kang mag-budot dance sa gitna tulad ng sa EDSA. Pero nakakapraning na ito kapag nagmamadali, lalo na ng mga sandaling iyon. Gusto ko nang umiyak. Paano naman kasi, ilang minuto na la

Ber Month Na

Image
Ber month na. Ilang buwan na lang, pasko na naman. Totoo, kahit naghihirap kami sa buhay, masaya ang pamilya namin dahil kasama namin sila . Noong mga panahong nalulunod kami sa matinding lungkot, sila lang ang nagpapasaya sa amin. Oo, nararanasan din namin na hindi kumain ng tatlong beses sa isang araw pero masaya pa rin kami dahil kasama naman namin sila, sa hirap man ng buhay o ginhawa. Sabi nga, ayos lang na magutom kami kaysa may buhay na mawala. Mas mabigat ang problemang iyon. Sanay naman ang pamilya namin sa hirap. Pinipili pa rin naming maging masaya sa kabila nito (kahit ang hirap yata ng ganoon) dahil kasama namin sila. At inggit na inggit sa amin ang iba dahil masaya pa rin kami kahit naghihirap (edi, gumaya na rin sila hahaha). But kidding aside, alam kong tinatanong mo sa akin kung sino sila na tinutukoy ko. At alam kong tatawanan mo ako kung sasabihin ko sa 'yo na sila ay ang mga alaga naming aso (pero maiintindihan ako ng sinumang pet owner out there). Sig

Sampalan

Habang mahimbing na ang tulog ko, kinagat ako ng lamok sa binti. Sinampal ko kahit pa antok na antok na ako. At pagtingin ko sa palad ko gamit ang liwanag ng phone, nakita ko ang maraming dugo. Alas onse y media na 'yon ng gabi. Muli kong sinampal ang hita ko dahil sa lamok. Nahuli ko agad at tulad noong una, maraming dugo uli ang napatay ko. Pasado alas dose na 'yon ng hatinggabi. Kaya lang, hindi ako kaagad nakatulog dahil sa malakas na pagpalo ko sa hita. Parang pati hita ko, nagkaroon ng bakat (o pasa) ng kamay ko. Ganoon katindi at kalakas dahil inistorbo ng lamok ang tulog ko. Bwisit na bwisit ako. Ang alam ko, hindi napapasukan ng lamok ang kuwarto ko. Parang literal kasing binalot ng net ang buong quarters at dahil mag-isa lang naman ako sa inuupahan ko ay hubo't hubad lang ako natutulog nang walang kumot kaya parang welcome na welcome sa akin ang mga lamok. Muli rin naman akong nakatulog nang pinilit kong huliin ang nawalang antok. At kung kailan naman ako

Imaginary Friend

Noong bata pa ako, mayroon akong isang kaibigan. Hindi ko na matandaan noon kung paano, saan, at kailan ko siya nakilala. Basta ang alam ko, kaibigan ko siya dahil dumating siya sa buhay ko. Lalake rin siya. Magsinggulang kami. Mabait siya at tahimik. Pareho ang tangkad at pangangatawan namin. Lagi kaming magkasama. At higit sa lahat, hindi kami nag-uusap. Naipakilala ko na siya kina mommy at daddy ko (hindi ko maalala kung paano ko iyon nagawa gayong hindi naman kami nag-uusap). Naipakilala ko na rin siya sa ibang mga kaibigan at teacher ko sa school. Pero may isang problema silang nakita sa kaibigan kong ito na hindi ko nakita at maintindihan. Iisa lang ang sinasabi nila: hindi raw nila nakikita ang kaibigan kong iyon. Imaginary friend. Ito raw ang tinatawag ng mga dalubhasang sikolohista tungkol sa mga batang may ganitong uri ng karanasan. Hindi naman daw ito sakit sa pag-iisip at normal lamang daw iyon para sa mga batang tulad ko. Hindi rin naman ako tinukso ng sinuman tung

Pito

Image
Pitong taon na ang blog kong ito noong June 8, 2019. Ni hindi ko man lang naalala sa sobrang dami ng inaalala ko. At medyo nakakabigla lang dahil parang ngayon ko lang din nalaman (o napagtantong) may pinapatakbo pala akong blog tulad nito (que horror!). Masyado akong abala noong linggong iyon bago ang nabanggit na araw. Inasikaso ko ang mga mahahalaga kong papel sa buhay kasabay ng pag-alalay kay kuya na mag-enroll (ang mahal pa rin ng matrikula!). May ibang papel din ang ipinalalakad sa akin itong mga housemates ko at marami pang iba na hindi ko na iisa-isahin pa rito. "O, e ano naman ngayon?" So, iyon na nga at napansin ko lang na sa buong linggo na iyon--hindi lang noong linggo na iyon kundi noon pang mga nakaraang buwan hanggang ngayon--wala akong ibang kaharap kundi ang mga papel. Mahalaga man o hindi, hindi tumitigil ang pagkakataon na humarap ako sa kung ano-anong mga papel. Sa madaling sabi, masyado na pala akong busy. Dokumento, resibo, listahan, lib

Sa Tagpuan

Wala na akong narinig na boses nang pinapasok ako rito ng isang bantay. Medyo na-wirduhan pa nga ako sa mga pormal niyang galawan at sinabing 'maligayang pagdating!' Ang huli kong natatandaan sa kanya ay nakangiti siya sa akin bago siya nawala sa paningin nang isinara niya ang pinto. 'Masaya ako para sa iyo. Hindi ka na luluha rito, habambuhay,' pahabol niya. Hindi sumagi sa isip ko kung bakit ako naroon sa lugar na iyon, saan ito matatagpuan, at kung gabi na ba o umaga pa. May liwanag--na hindi naman nakakasilaw--pero hindi ko makita kung saan ito nagmumula. May pinto, pero wala akong makitang pader o hangganan (parang 'Door to Everywhere' lang ni Doraemon). Hindi ko rin malaman kung kailan pa ako naroon at hindi ko malaman kung ano ang lagay ng panahon. "Ang sabi nila, mahinahon lang ang panahon dito. At kahit kailan, hindi magkakaroon ng unos. Hindi mo ba narinig kanina?" narinig ko ang isang buo at pamilyar na boses. "Hindi, eh."

Nangungulila Ako

May isang maliit na batang babae. Nakatira siya sa isang malaking bahay na nadadaanan ko papunta sa boarding house kung saan ako mag-isang pansamantalang nangungupahan. Hindi siya nag-iisa. Lagi niyang kasama ang kanyang lola na nag-aalaga sa kanya. Inuubos nila ang buong maghapon sa ilalim ng mga puno ng dalandan sa tapat mismo ng kanilang bahay. Ayon sa mga narinig ko, nag-iisang anak lang daw siya ng mga magulang niyang kahit minsan ay hindi ko pa nakita (o namukhaan) sa personal. Hindi na ako nag-usisa pa tungkol doon. Madalas ko siyang makita tuwing hapon. Nag-aaral siyang magbilang sa Ingles gamit ang pagbibilang ng mga bunga ng dalandan sa puno. Tuwang-tuwa siya dahil 'achievement' na para sa kanya ang magbilang ng 1 to 10. At kapag napapansin niyang napapadaan ako, lagi niya akong tinatawag na 'kuya!' Kitang-kita ko sa kanya na natutuwa siya tuwing makikita niya ako. Ngumingiti lang ako lalo na kapag tumingin na ang lola niya sa akin. At pagkatapos, doon

Peklat

Grade 6 ako noon, sa isang pribadong eskuwelahan. May ganap ang buong eskuwelahan noon na hindi ko gusto kaya pinili kong magbasa na lang ng komiks sa classroom nang mag-isa. Maya-maya, isa sa mga kaklase ko ang dumating -- si Christian -- ang guwapong classroom escort ng aming section at isa siya sa mga nangungunang gago at malibog kong kaklase. Marami na akong narinig na totoong kuwento tungkol sa kanya, na sa murang edad ay isa nang mamboboso at marami nang karanasan sa pakikipag-sex: sa babae man at maging sa kapwa-lalake. Napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang pawis na pawis. Nang magpantay ang paningin namin, ni-lock niya ang pinto saka niya ako nilapitan. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang mapansin kong kakaiba ang tingin niya sa akin saka siya ngumiti. Agad akong kinabahan. "Huwag kang lumapit sa akin," babala ko. "Bakit? May problema ba tayo?" Na-korner niya ako sa sulok ng classroom. Sadyang mas malaki ang katawan niya sa akin noon kaya hindi ako basta