Posts

Showing posts from 2021

Tungkol sa Magulang Niya

Ulila na siya sa ina. Iyon ang kuwento niya sa akin. Sa pagkakatanda ko--kung hindi ako nagkakamali--tumawag daw ang mama niya sa kanya noong gabing iyon. Naglalambing. Gusto siyang pauwiin sa Tarlac. Hindi ko na matandaan kung naroon siya sa Baguio o sa La Union noong mga panahong iyon. Masaya siya kasi may bago yata siyang karelasyon, at gustong makilala ng mama niya ang bago nitong boyfriend. Hindi nagtagal ang usapan nila sa telepono ng mama niya. Ang nabalitaan na lamang niya pagkatapos, inatake raw ang mama niya. Huli siyang nakita sa CR ng bahay nila, wala nang buhay. Hindi niya inaasahan, ganoon lang kabilis. Hindi niya inakalang iyon na ang huling pagkakataon na maririnig niya ang boses ng mama niya. Nabanggit niya rin sa akin na takot daw siyang gumamit ng CR nila noon. Iniisip niya na baka magpakita raw sa kanya ang multo ng mama niya. "Mama mo naman siya, bakit ka matatakot sa kanya?" biro ng papa niya. Iyon lang. Iyon lang ang natatandaan ko sa kuwento niya. Naba

Hindi Mabuti

"Kumusta ka?" Tuwing may makikita akong kakilala, lalo na sa company, pangungumusta lagi ang una kong pambungad. Ayos ito bilang mabuting pambulabog. Saka, tanda ko na rin ito ng pagiging mabait. Lagi akong nangungumusta. Pero napansin ko ring iba-iba sila ng level of approach. Pansinin: Madalas, "Hello po, Ate/Kuya! Kumusta po?" Heto pa: "Uy! Kumusta?" Minsan, ganito ako mangumusta: "O, ano na? Kumusta 'yang pagmumukha mo?" Ganito rin: "Ano nang nangyari sa pagmumukha mo?" O kaya simpleng "Hi, kumusta?" Mahilig akong mangumusta, kahit pa kahapon lang ang huli naming pagkikita, yung tipong, Hi, bii! Kumusta? Long time no see!  Na sasagutin naman ng ilan na, John, nagkumustahan na tayo kanina, diba?  o kaya John, para kang tanga. Kanina lang tayo nagkita, nangungumusta ka sa akin uli! O kaya ganito: mamemerhusiwyo ako ng isang kakilala sa company gamit ang pangungumusta: Hi Ate/Kuya (pangalan) ! Kumusta po? Merry Christmas

Sibat

Nanaginip ako. Sa panaginip ko, nakalutang daw ako sa isang lawa ng dugo. Malansa ang amoy ng dugo, malagkit, at makapal. Buhay pa naman ako pero ramdam kong hindi na ako humihinga. Nakatingin lang ako sa langit. Wala akong makitang ulap at mataas ang araw. Mainit at walang hangin, tapos nakakabingi ang katahimikan. Maya-maya, nakakita ako ng isang lumipad na sibat. Papunta sa akin ang talim nito. Hindi ako makakilos para sana makaiwas. At nang dadapo na sa dibdib ko ang talim, doon ako biglang nagising. Ginaw na ginaw ako, nangangatog, at nakaramdam ng matinding uhaw. Pagtingin ko sa orasan, ilang sandali na lang pala, hatinggabi na. *** Naulit ang panaginip kong iyon. Ang ipinagkaiba sa nauna, may kasama ako ngayon. Hindi ko malaman kung sino ang taong iyon. Ang alam ko lang, hawak niya ang kamay ko--mahigpit at masakit. Nakapantay na ang lebel ng dugo sa nguso ko. May iba na unti-unti ko nang nasisinghot hanggang sa parang nararamdaman kong nalulunod na ako. Maya-maya pa tulad ng

Dibdiban

Ayon sa sikat na kasabihan: "Dibdiban na ang labanan!" Wala lang. Nabanggit ko lang. Payat lang ako sa personal. Hindi malaki ang dibdib ko. *** Noong bata pa ako, lagi akong dinidibdiban ng tatay ko kapag nalalasing siya. Galit siya. Trip niya lang siguro. Pero hanggang ngayon, nahihiwagaan ako kung ano nga ba ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang bagay na iyon sa akin, basta masakit sa dibdib. At sa puso, syempre. Ikaw ba naman ang hatawin sa dibdib? Kasi naman, putang ina lang, saktan ka ba naman ng tatay mo na hindi malinaw sa 'yo ang dahilan, hindi sasama ang loob mo? Hataw 'yon. Masakit. Sobra. Sundalo pa man din ang tanga. Wala lang. Pala-palagay ko lang naman ito sa mga sandaling tulad nito, na nag-iisa ako...walang kausap, wala akong magawa. Malungkot ako. May dibdib din naman ako, pero hindi ko na 'yon dinidibdib. *** Hindi. Ako. Manyak. Pero maalala ko lang, literal na 'madibdib' ang naging araw ko, isang araw noong nakaraang buwan: Pagbangon

Pusanggala

Nakasakay na ako sa jeepney, pauwi na, nang dumating ang isang dalaga at umupo mismo sa tapat ko kahit marami pa siyang puwedeng lugaran. Maya't maya siyang sumusulyap sa akin, parang may gustong sabihin o anuman, "Payag ka ba...na mawawala ang mga pusa sa mundo?" bigla niyang tanong, halos nahihiya. Ako naman ang nabigla sa tanong niya. Matagal bago ako makasagot, "Hindi." "Boss, sa kanto lang!" sabi ng isang pasahero sa tsuper. Muling umandar ang jeepney pagbaba ng pasahero. Nagtataka ako sa tanong ng dalaga na nakatingin sa labas, inililipad ng hangin ang manipis nitong buhok, saka muling lumingon sa akin. "Bakit?" tanong niya. "Maraming dahilan," sagot ko. "Magkuwento ka, kahit ano lang, tungkol sa mga pusa." Pagod ako. Pero nang dahil sa dalagang ito, napilitan akong magkuwento ng kung ano na lang: ibig sabihin, isang kuwento siguro na nangyari. Totoong nangyari. Bahala na basta't kung ano na lang ang una kong mai

Sabi ng Pangatlo

Hinang-hina ako pagkatapos ng ginawa namin. Pareho na kaming nakahiga at magkatabi sa kama niya. At dahil pagod ako sa trabaho at naubusan pa ako ng lakas, hindi na ako nagsalita saka ako napapikit. Pagod ako pero masarap sa pakiramdam. Maligayang-maligaya siya dahil marami ang naibuga ko. Pagbukas ng mata ko, nakita ko siyang nakatitig sa akin, nakangiti. "Bakit?" tanong ko. "May napansin ako sa 'yo, mula nang una tayong magkita," sagot niya. "Ano 'yun?" "May kahawig kang guwapong aktor." Natawa ako dahil napansin ko sa sinabi niya ang 'guwapo.' "Sino naman?" sinakyan ko na lang siya. "Hindi naman ako guwapo, eh." "Si RK Bagatsing." "Kahawig ko si RK Bagatsing?! Weh!" "Hindi nga," hindi siya nagbibiro. "Basta kahawig mo siya. Maputi ka lang, moreno siya. Fit siya, payat ka lang." "Hindi ako naniniwala," sagot ko. "Edi, huwag kang maniwala!" Iniidolo k

Kumusta Ka

Nightshift. Paakyat ako sa training center para sana manalamin. Alam mo naman ang washroom ng training center, diba? May salamin. At puwedeng manalamin doon, wala namang sinabing bawal. Kaya, umakyat ako para manalamin. Sa hagdan pa lang, agad kong nakita ang isang personnel na tumayo sa tapat ng isang lamesa at naglakad papunta sa entrance nila...kung saan doon siya tumayo at tumanaw sa tila walang hanggang production area. Agad akong kinabahan nang malala pagkakita sa kanya. Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Si Nelson. Makalipas ang mahabang panahon--siguro mga tatlong buwan--sa wakas, nakita ko rin siya. Matagal ko siyang hindi nakita. Agad niya na akong napansin mula sa dilim, doon sa pinakahuling baitang ng hagdan. Gusto ko pa sanang umatras para umiwas sa kanya pero pinanindigan ko na ang sarili dahil nakatingin na siya sa akin. Nakita niya na akong dumating. Hindi ko na nagawa pang umatras. Walang ano-ano, "Hi!" sabi ko sa kanya. Hindi siya agad sumagot. Hindi ko tuloy

Inaswang Ako Kagabi

Isang gabi, habang mahimbing na ang tulog ko, nagising ako dahil sa isang kakaibang ingay mula sa labas ng bahay. Pinakiramdaman ko muna kung ano ang ingay na iyon at kinilala kung anong bagay ang gumagawa nito, bago ako sumilip sa bintana. Hindi pangkaraniwan ang ingay na parang paikot-ikot lang sa paligid ng bahay. Humahampas ito sa malamig na hangin na parang may iwinawagayway na malaking watawat. Tapos, pagbukas ko ng bintana, napansin ko ang pagdaan ng isang malaking anino. Nakalutang ito sa ere at mabilis na nawala, halos isang kisapmata, patungo sa madilim na talahiban. Kinabukasan, nagtataka ako kung bakit alam ng isang katrabaho na sumilip ako sa bintana sa kalagitnaan ng gabi. Napansin ko ring nangangati ang balat niyang namumula na parang sumuot siya sa nagtatalimang damo pero sa huli, ipinagkibit-balikat ko ang sinabi niya. Nang sumunod na gabi, habang sumasayaw ako sa mga kanta ni Willie Revillame, may napansin akong sumilip sa bintana ng sala ng bahay at biglang nawawala

Happy 9th

Happy 9th, Jay's Quirky World! Kumusta na? Ano nang nangyari, isang taon bago sumapit ang 9th year natin? Na-lockdown. Na-low morale nang malala. Na-hire ako sa panibagong company. Naging mas busy ako sa lahat--lahat-lahat. May nakilala akong bagong mga kaibigan. Nakakilala ng isang taong hindi ko akalaing mamahalin ako pero sinira ang tiwala ko. Muling nakakilala ng isang taong hindi ko akalaing tatanggapin ako sa kabila ng imperfections ko from the past pero nawala rin sa huli. Nasaktan nang malala. Naghabol. Nagpakatanga. Umasa. May nakilalang isang tao na gusto ko pero hindi ko alam kung gusto niya rin ba ako. Tinanggihan ako kinalaunan. At may kakilalang gusto ako pero hindi ko alam kung gusto ko dahil...natatakot akong masaktan uli sa pag-ibig dahil sa pangalawang nakilala. Heto, single uli. Muling bumabangon at inaayos ang sarili. Wala nang oras sa pagsusulat at pagbabasa di tulad noong una. At higit sa lahat, napapasailalim pa rin ng isang dakilang diktador. Pinipilit ko pa

Marami Akong Tanong

Ang huling balita ko, naroon daw siya sa Naguillian. Hindi ko alam kung saan matatagpuan ang lugar na iyon. Ano pa bang alam ko? May sampung taon na rin ang huli. Bigla ko na lamang siyang naalala for some weird reasons. Dahil ba, namimiss ko na siya? Syempre, umabot din ng mahabang panahon ang pinagsamahan namin. Namimiss niya rin ba ako? Nasaan na kaya siya? Kumusta na kaya siya? Naaalala niya pa ba ako tulad ng mga sandaling ito na naaalala ko siya? Bakit bigla na lang siyang nawala? Dahil ba may iba na siya? Nagpakalayo-layo? Kilala niya pa kaya ako sakaling dumating ang araw na magkita kami? Tulad pa rin ba ng dati? Hindi na siguro. Nagmamahal na ba siya ngayon? Masaya ba siya? Ano na bang lagay ng buhay niya? May pinagsisisihan ba siya? Pinagsisisihan niya ba na nagkakilala kami? Hindi ko alam. Wala akong alam. Ginusto niya bang magkahiwalay kami? Ako ba ang dahilan o may iba? O baka naman gusto niya talagang makalimot, pero bakit pa sa ganitong paraan? May iba pa bang dahilan? H

May Multo

Isang gabi, habang nagsusulat ako sa sala, may nagpakitang multo. Akala ko, dumating na si kuya mula sa date niya pero wala pa siya. Hindi pa pala siya dumarating. Sa halip, kakaibang nilalang ang dumating. Nakakatakot ang hitsura ng multo. Imahe siya ng matangkad na lalake, nangingitim ang buo niyang katawan na parang nangitim mula sa pagkakasunog pero ang mga mata, nanlilisik at namumula. Bigla na lang siyang lumitaw (o nakapasok) sa pinto nang hindi man lang ito binubuksan. Parang tumagos lang at nakapasok. Titig na titig siya sa mga mata ko. Halos hindi ko malaman kung ano ang gagawin nang unti-unti siya ngumiti at humalakhak na parang demonyo mula sa ilalim ng lupa. Nage-echo pa ang halakhak niya sa buong bahay. Lumapit siya sa akin. Napapikit ako sa takot. Sa kaliwang tainga ko, may binulong siya: "Kukunin na kita!" saka siya humalakhak. Nagdasal ako. Nawala siya. Agad akong nagtungo sa kuwarto, sa higaan, para matulog. Sabi ko, baka matinding puyat lang ito gawa ng kak

That Night, Several Years Ago

Noong gabing iyon ilang taon na ang nakalipas, galit ka sa hindi ko malamang dahilan, saka ka nang-iwan. Alam ko sa sarili na wala akong ginawa na ikasasama ng loob mo. Sa katunayan, ako pa nga itong nasaktan at nagmukhang tanga sa inasta mo pero wala kang narinig sa akin, kahit isang salita. Nakakagulat, bigla kang nagparamdam nitong nakaraan mula sa mahabang taon mong pananahimik. Tulad noong una, wala kang narinig sa akin. Hindi kita pinansin o sinagot, at literal na pinagmukha kitang tanga. Hindi ko na iniisip pa kung ano ang nangyari sa atin noon pero hindi ibig sabihin, nakalimot ako. Nakita mo na? Naramdaman mo rin kung ano ang ipinaramdam mo sa akin noong gabing 'yon. Hindi ko ugali ang magyabang, alam mo 'yan. At kilala kita: alam kong imaaang-maangan mo na naman 'yan.

Barkada Lang

Unang tingin ko pa lang, alam kong hindi na siya straight. Oo, guwapo at maganda ang hubog ng katawan niya pero napakalambot niyang kumilos at magsalita. Alam ko ang ganyang galawan. Ganyan din ang iba kong mga kaibigan. Isa pa, halata naman. Hindi ko naman isyu rito kung ano siya. Open naman ako sa ganyan. Pero ako kasi ang nahihirapan sa kanya tuwing tinitignan ko siya, na ngawit na ngawit siya sa bawat kilos niya. "Basta kahit saan ka masaya, susuportahan kita," ito ang reply ng kausap niya sa chat. Ang sweet, diba? Napa-'sana all' ako bigla. Doon ko na siya sinimulang usisain. Nasa isang maliit na klinika kami noon nang mabasa ko itong mensahe sa kanya ng kausap niya. Nakaupo siya habang nakatayo ako sa tabi niya. Nahagip ng paningin ko ang pangalan ng kachat niya. Dali-dali akong pumikit at tinandaan ang pangalan, mabilisan. Nang nahapin ko sa Facebook, nakita ko na kilalang bakla pala talaga ang kausap niya (114 mutual friends). Makikita mo 'yun sa mga bekil

Dumalaw

Akala ko, nagbalik na sila. Nakita ko silang masaya, na nasa mabuti nang kalagayan. Wala nang sakit. Wala nang dinaramdam. Masaya ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon, muli kaming magsasama-sama sa mahabang panahon, at hindi na muling magkakahiwalay pa. Parang totoo dahil nararamdaman ko sila at parang hindi sila nawala...na parang hindi nila ako iniwan. Masakit, pero masaya ako dahil sa tagal ng panahon--at sa kauna-unahang pagkakataon--sa wakas, dumalaw rin sila sa panaginip ko.

Walang Sagot

Sa aming dalawa, napansin kong ako lang ang gumagawa ng mga paraan para mapanatili ko ang ugnayang meron kami--na hindi ko mawari kung ano nga ba kami--na ayoko sanang mawala. Wala siyang text. Matagal bago niya ako mareplyan sa mga chat ko at kadalasan, lagi lang niyang tinitignan pero hindi na sumasagot. Hindi niya na rin sinasagot kahit ang mga simple kong pangungumusta. Hindi man lang siya nangungumusta sa akin kahit minsan. Ako lang ang interesado sa kanya at mukhang wala na siyang interes sa akin. Maaalala kong sinabi niya noong una kaming nagkita, kapag busy siya, hindi raw talaga siya sumasagot. Siguro nga, oo. Busy siya pero ano pa bang malay ko kung iyon ba ang totoo? Noong huling nag-chat siya sa akin, nangako siya na magkikita kami. Pinaghandaan ko ang araw na 'to para sa kanya. Umasa pa naman ako na magbabonding kami, magkukuwentuhan, at iba pa na puwedeng mangyari na sa amin na lang dalawa pero hindi ko siya nakita. Nagmukha lang akong tanga. Pinagmukha niya akong tan

Sa Kusina

Noong fitted pa ang katawan ko, gustong-gusto niya ako. Lagi niya akong niyayakap, sinasabihan ng mga matatamis na salita, at kung ano-ano pa na siyang magsasabing 'ganito ang relasyon naming dalawa na wala sa iba!' Syempre, nariyan na ang mahal namin ang isa't isa. Matik na 'yan. Pero, hindi laging ganyan ang relasyon. Habang tumatagal, nagiging agresibo siya sa hindi malamang dahilan. Sobra na ang pagiging authoritative, perfectionist, at pagkasira-ulo niya. Literal. Nakakasakal at nakakairita na. Pero sa kabila nito--kahit pa may dahilan na ako para hiwalayan siya--minahal ko pa rin siya. Para akong isang bata na hindi magawang makalayas sa sariling bahay dahil doon lang ang tahanan ko: siya lang ang mahal ko at hindi ko siya kayang iwanan. Napaisip tuloy ako: tama ba ang naging desisyon ko na manatili pa? Kasi...lalo lang akong nag-alala nang maging selosa siya na kamakailan lamang namuo sa sistema niya. Sabi nga sa isang kanta,  kung ano-anong iniisip,  nagbibintan

Nanghihinayang Ako

Si Lance ang unang lumapit sa akin. Nananahimik lang ako sa isang tabi nang bigla siyang dumating saka nakipagkilala at nakipagkuwentuhan sa akin. Sa totoo lang, ayoko sa mga kagaya niyang ubod ng daldal/ingay dahil hindi ako sanay sa ganoon. Pero sa huli, naging magkaibigan din kami. Nagagawa niya akong patawanin. Ito ang isang bagay na hindi magawa ng iba sa akin. At napapansin na rin ng iba na madalas na kaming magkasama at magkatabi. Minsan nga, nagtanong sa akin ang isang kasamahan kung mayroon nang namamagitan sa aming dalawa. Nabigla ako dahil nagkamali siya ng iniisip. "Ang sweet n'yo kasi," sabi niya. "Walang kami," paglilinaw ko. "Pero puwedeng maging kayo." "Ha?" "May gusto siya sa iyo, eh--" Natahimik ako. Nabigla siya. "Ay, pasensya na kung sa akin mo pa unang nalaman. Bilin niya kasing huwag kong ipagsabi kahit kanino, lalo na sa iyo." May gusto pa sana akong itanong pero iniwan niya na ako. Hindi ako makapag

Nakikibasa

"Tignan mo yung personal info niya! Tang'na, hindi tayo puwedeng tumanggap ng bata!" "Ok. wait lang," reply ng ka-chat niya. At agad inilipat ng ibang task ang katabi ko. Minadali ng mga daliri niya ang pagpunta sa Facebook. Agad akong umiwas ng tingin sa phone niya. Nasa bus ako, siksikan. Papunta kaming Cubao. Galing naman ako sa Taguig dahil sa business matters. Pabalik na ako sa Tarlac pero inabutan ako ng rush hour sa EDSA, halos ayaw umusad ng mga sasakyan. Sinubo ko ang Chupa Chups na binili ko sa 7eleven Guadalupe. Kunwari, wala akong nabasa o nakita. Tumunog ang Messenger ng katabi ko. Agad niyang binasa ang reply ng kachat. Nakikibasa na rin ako nang pasimple (wala akong magawa, eh!) at ito ang nabasa ko: "19 years old, boss." "Send mo nga yung pic." Natanggap niya ang litrato. Binuksan. Malaki ang screen ng iPhone niya kaya kitang-kita ko ang litrato ng babae: maganda, mahaba ang buhok, morena, malaki ang suso, matambok ang hinahar