Posts

Showing posts from 2020

Alas Tres

Alas tres na naman ng hapon. At tulad ng inaasahan, maririnig na naman ang sigaw ng isang dalaga sa ward 6--kung saan ako nakadestino. Lagi niyang isinisigaw ang pangalan ng isang babae. Para siyang nagmamakaawa o umiiyak, o ewan...basta, ramdam sa matinis nitong boses ang matinding lungkot. Ang sabi ng isang kasamahan, tatlong buwan na raw siyang ganyan. Araw-araw iyon, laging tumataon sa panalangin tuwing alas tres ng hapon. "Masasanay ka rin sa kanya," dugtong niya. Araw-araw, tuwing sasapit ang oras ng alas tres ng hapon, walang palya, sumisigaw ang dalaga. Para siyang time indicator o kaya alarm clock. Minsan, malaki ang tulong niya sa tulad kong walang relo dahil may mga inaasikaso ako na kailangan kong tapusin bago mag-alas tres ng hapon. At kapag sumigaw na siya at hindi pa ako natapos, patay ako. Pero madalas, hindi ako natutuwa. Sino nga naman kasi ang matutuwang makakita ng isang dalaga na sumisigaw na halos mabasag ang lalamunan, umiiyak at nagmamakaawa. Para pang

May Nakatingin

May nakatingin. Pero tuwing lilingunin ko para alamin kung sino ang nakatingin, wala namang tao. Higit tatlong beses ko nang nararamdaman iyon dito sa production. Overtime kami sa nightshift. Oo, inaantok ako pero hindi ako nagguguni-guni. Parang...may multo sa paligid. "May problema ba?" tanong ng kasamahan kong napansin na ang bigla kong takot. "W-wala," minabuting huwag ko nang sabihin dahil baka magkatakutan pa. Maya't maya akong lumilingon sa paligid dahil mayroon talagang nakatingin (ramdam ko talaga!), nagbabakasakaling mahahagip ng paningin ko ang kinaroroonan niya pero...wala. Alam ko, naroon lang siya sa madilim. Sabi nila, madalas daw talaga ang mga ganitong uri ng pagpaparamdam (ng mga multo) sa mga malalamig at tahimik na lugar katulad ng kinalalagyan namin dito sa (madilim na sulok ng) planta. Hindi ko alam kung nararamdaman din ito ng mga kasamahan ko. Sa kalilingon-lingon ko sa paligid, lagi na akong tinatawag ng inspector dahil yung

Night Shift

Habang abala ako sa trabaho, may nangalabit sa likuran ng kanang braso ko. Nagulat ako dahil malamig ang daliri niya na parang kabibitiw lang niya ng malamig na yelo o katatapos lang magbabad sa malamig na tubig. Nagulat ako at agad lumingon. Walang tao. Napansin ng dalawa kong kasamahan ang pagkakagulat ko, nagtatanong kung may nakita raw ba akong multo(?) pero hindi ko na sila sinagot. Sa mga sandaling iyon, binalot na ako ng kilabot. Imposible ang karanasang iyon. Una, walang tao sa likuran ko nang may kumalabit sa akin. At pangalawa, hindi ako maaaring magkamali dahil daliri ng isang bata ang naramdaman ko sa braso ko. Matatandaang bawal pa ang bata sa work place. Maya-maya, halos hindi na ako makakilos habang nagtatrabaho nang may bumagsak na gamit sa likuran namin na para bang may nagagalit. Nagtinginan na lang kami ng mga kasamahan ko. Hindi pa rin 'siya' tumigil. Habang kinakausap kami ng leader namin, napansin ko siyang dumaan sa likuran nito pero hindi ko siya nakita

Malamig

First half ng night shift, napansin kong panay na ang tingin niya sa akin noong una, mula nang magsimula ang training sa production. Dumog ang tao kaya tumayo ako sa likuran niya para tanawin ang ginagawang demo mula sa screen sa harap. At dahil nasa likuran niya ang dalawang kamay, lumapit iyon sa harap ko. Noong una, hintuturo lang ang dumadampi. Paulit-ulit niyang kinakaskas ang daliri sa zipper ng maong pants ko. Maya-maya, isang buong kamay niya na ang lumalamas ng pagkalalake ko. Ginagawa niya iyon tuwing walang nakatingin. Hinahayaan ko na lang dahil ayokong mag-eskandalo. Lapit siya nang lapit kahit anong iwas ko sa kanya. Pagsapit ng break time, nagpaalam ako para mag-cr. Pasimple siyang sumunod sa akin. At pagpasok, kaming dalawa lang ang nasa loob. Hindi ko siya inimik habang nakaharap ako sa men's urinal. Nakaharap naman siya sa malaking salamin, inaayos ang sarili. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso nang magtagpo kami sa tapat ng lababo para maghugas ng kamay.

Pangit Ako

May mga pagkakataong sumasama ang loob ko dahil sa isang bagay na ayoko na sanang sabihin pa rito (dahil nga, nakakahiya) pero dahil masakit, eh, sasabihin ko pa rin. Atin-atin na lang 'to, ha: sabi kasi ng isa sa mga kabit ng tatay ko, pangit ako. Kung titignan, medyo totoo (o totoo talaga!). Sabihin na nating pangit talaga ako kasi...diba, iyon ang nakikita ng kabit ng tatay ko sa akin at sumasama ang loob ko dahil totoo. Pero bakit kailangan niya pang ipangalandakan sa pagmumukha ko? Ano ba ang gusto niyang mangyari sa akin? At anong problema niya sa akin? Sa buong buhay ko, wala pa akong narinig na gusto ako ng ibang tao o may mga nagkakagusto sa akin. Siguro, iyon na lang ang basehan ko kung bakit walang nagkakagusto sa akin dahil--kasi nga, sabi nga niya--pangit talaga ako. Ako. Pangit. Pangit ako. Hindi pinapansin. Iniiwan. Iniiwasan. Kinakalimutan. Noong maliit pa ako, lagi akong hindi pinapansin ng iba. Ayaw sa akin ng mga kalaro at kaklase ko at kahit minsan, hindi ko nar

Sa Gabi ng Lamay

"Grabe, ha, bakit ngayon pa kung kailan kailangan namin siya?" "Ka-chat ko lang siya kaninang umaga, magkikita pa nga sana kami dapat kaninang hapon." "Paano nangyari 'yon? Kahapon lang ang saya naming nagkukuwentuhan." "Nakakabigla talaga ang nangyari at mabilis. Hindi kapani-paniwala." "Mabait na tao 'yan, walang kaaway. Maraming nagmamahal sa kanya at lahat kaibigan niya." "Sayang siya. Lagi niya akong sinasama sa Bible Study at thankful ako dahil nakilala ko ang Diyos sa kanya." "Mamimiss ko siya. Hindi ko man lang nasabing 'mahal ko siya' o 'sorry sa mga nagawa kong kasalanan' bago man lang siya nawala. Ang dami kong pinagsisisihan." "Teka nga, paano ba siya namatay?" "Hindi raw matukoy sa autopsy kung paano siya namatay. Wala naman daw sakit o lason. Wala ring foul play. Basta na lang daw huminto ang pagtibok ng puso niya." "At ang pinakahuling salita na sinabi n

Nagtataka

Isang umaga, bago umalis ang isang kab'balay (housemate) papunta sa trabaho, pumasok siya sa kuwarto namin para manalamin. May malaki siyang salamin sa kuwarto niya pero pinili niyang manalamin sa kuwarto namin dahil maliwanag gawa ng sinag ng araw (nakatapat sa rising sun, madilim kasi sa kuwarto niya). Habang nananalamin, nakita niya akong nakatayo sa sulok. Nakaharap sa pader, hindi gumagalaw, nakayuko at nananahimik. Paglabas niya ng kuwarto namin para bumalik sa kuwarto niya, kusang bumagsak ang pinto at nag-lock. Nagulat siya. Sakto, paakyat AKO papunta sa kuwarto namin. Alam kong nandoon siya (yung nakisalamin) sa loob ng kuwarto namin kaya pinabuksan ko. Pero pagbukas niya ng pinto ng kuwarto niya, nagulat siya. "Nakita kitang nasa sulok, dyan sa loob ng kuwarto." "Kanina pa akong nasa baba, nag-cr," sabi ko. "Pero bakit nakita kita sa loob ng kuwartong 'yan kung nasa baba ka pala?" Napatahimik kaming dalawa, nagtataka. "

Christian's Chicken Corn Soup

Iginisa ni Christian ang sibuyas at bawang. Payo niya na unahin muna ang sibuyas para hindi gaanong masunog ang bawang. Kapag nasunog ang bawang, magbabago ang lasa ng lulutuin. Sunod niyang iginisa ang hinimay na pinakuluang pitso ng manok hanggang masangag. Mas maganda raw na pakuluan muna ang manok para madaling lutuin. Matapos isangag ang manok, ibinuhos niya rito ang tubig na pinagpakuluan niya na itinabi niya kanina sa isang malinis na lalagyan. Sabi niya, hindi naman daw talaga marumi ang pinagpakuluan ng manok. Sa katunayan, nandito raw ang talagang lasa ng manok na naikatas raw sa buto nito. Hindi ko alam kung gaano iyon katotoo. Inilagay niya ang limang mais na matyaga niyang ginadgad gamit ang kutsilyo. Dinagdagan ng kaunting tubig. Tinakpan at pinakuluan hanggang lumapot. Maya-maya, tinimplahan niya ng asin hanggang makuha niya ang tamang lasa. Nilagyan niya ito ng dahon ng malunggay bago niya ihango mula sa apoy. Kumuha siya ng dalawang mangkok para sa aming dalawa. Magkah

Balut Moment

Isang hapon sa LRR Fort Magsaysay, magkakasama kaming mga daan-daang aplikante ng pagsusundalo. Katatapos lang naming mag-masemase at wala na kaming ginagawa. At dahil kota lang ito para sa mga lalake, wala kaming kasamang babae. Magkatabi kaming dalawa ng kapwa ko aplikante habang nakaupo sa tabi ng gate noong hapong iyon. Malamig ang paligid gawa ng nasa palibot lang namin ang mga bundok, dagdag pa ang panahon ng amihan. At para mainitan, bumili siya ng isang mainit na balut mula sa isang malapit na vendor. "Hindi ako kumakain ng ganyan," sabi ko sa kanya pagbasag niya ng itlog. "Pero masarap." "Sige, tikman mo muna," sabi niya. Napasubo ako. Ayoko talaga ng lasa ng balut. Pinagbigyan ko siya dahil hindi raw dapat tinatanggihan ang pagkaing alok ng sinumang sundalo kaya humigop ako sa sabaw ng itlog niya. "Ayoko na," sabi ko. "Salamat." Ngumiti lang siya nang pagkatamis-tamis. Iyon ang ngiti na gustong-gusto ko sa kanya. Gusto ko ang

Father's Day

Image
"Happy Father's Day, Daddy Jay!" bati niya sa akin pagbukas ko ng messenger. Online siya. "Hindi pa ako daddy. Wala nga akong syota, eh," sagot ko. "Anak pa kaya?!" " 'yutin mo na kasi ako, bii. Para magkaanak na tayo!" "Pisti kang bigaon!" sagot ko. "Hindi ka naman bilat!" Naging normal na lang ang ganitong paglalandi sa akin ng kaibigan at kasamahan kong bakla. Mula nang malaman niyang natuklasan ko sa mga kasamahan na crush niya ako, doon na nagladlad ang hitad. Naging lantaran na ang panghaharot niya sa akin. "O sige, Happy Father's Day na lang sa daddy mo. Kailan mo ako ipakikilala para makapagmano na ako sa kanya?" Tawa lang yata ang naireply ko. Chat niya sa akin, "Mabuti ka pa, buhay pa ang daddy mo. Ako, wala na," with crying emoticon. Kuwento niya kasi sa akin, namatay na ang tatay niya after graduation noong college. Palibhasa, maka-tatay. Tapos, banat niya, "Pero magiging masaya

5 Lessons I Learned to Sir Cru

Sa tagal na halos kalahating taon, ito ang da best na natutuhan ko kay Sir Cru(z). Maaaring yung iba rito, alam mo na pero heto, isa-isahin natin para maiba naman: *** PANINIWALA.  Ito lang ang pinaniniwalaan kong doktrina (sa sarili): "When there's a threat, eliminate it!" Hindi kita puputukan ng baril kung hindi mo ako tututukan ng baril. PAMUMUHAY.  Kung hindi mahal ang halaga ng kinakain mo noon, dapat hindi 'yon magbabago kapag nagkaroon ka na ng trabaho ngayon. Hindi naman masama na kumain kayo sa marangyang kainan--kung isang beses sa loob ng isang buwan, OK--pero manatili sa dati mong hindi maluhong pamumuhay. Huwag mo nang gagayahin ang ibang taong may kaisipang 'sahod kahapon, gastos ngayon, at pulubi bukas.' PAKIKIPAGRELASYON.  Kapag lumilibot kayo sa mall ng ka-date mo (nililigawan mo pa lang o karelasyon mo na) tapos may nakita siyang gusto niyang bilihin mo, sige lang. Bilihin mo lang para sa kanya hanggang maubos niya na ang pera mo. Tapos, kina

Otso-otso

Nagtagal ako sa bakurang ito ng walong taon. Walong taon--grabe, hindi ko matanggap--walong taon! hahaha Isipin mo: itinulak ako sa isang malaking stage para magperform sa harap ng maraming tao. Hindi ako handa sa ganito. Mahiyain ako. Pero anong magagawa ko? Nandito na ako. Wala nang atrasan. Paano ako magsisimula? Magagawa ko ba? Ewan ko at hindi ko alam. Ito ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito. Katulad lang 'to noong nag-host ako ng aquaintance party noong fourth year high ako. Wala akong karanasan sa pagdaldal sa harap ng madla pero nagawa ko rin naman sa huli kahit napakarami kong kapalpakan. Ipinagkanulo lang kasi ako noon ng isang second year student para mag-host sa okasyon 'yon. Pero ang pinagkaiba lang dito sa blogging world, ako mismo ang puwedeng sisihin dahil ako rin mismo ang nagtulak sa sarili ko para magkuwento, online. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Endless possibilities. * Walong taon. Grabe talaga, walong taon! hahaha May n

Yabag

May ibang tao raw sa loob ng bahay kagabi. Sino? Walang may alam. Tatlo ang kuwarto sa ikalawang palapag. Halos magkakaharap ang mga pinto nito. Katabi ng hagdan ang maliit na CR. Isa sa mga nasa maliit na kuwarto ang nagising at nagsabing may umakyat daw galing sa ibaba. Mabigat daw ang paa. Tumapat daw ito sa CR pero hindi naman daw pumasok (hindi niya narinig ang pagbukas ng pinto). Hindi niya alam kung sino iyon. May natutulog din sa isang medium size na kuwarto. Nagising siya sa mga yapak. Naglakad daw ito palapit sa pinto kung saan siya natutulog pero hindi naman daw pumasok. Malinaw, nakatayo lang daw siya sa tapat ng pinto. Nananahimik. Hindi niya rin alam kung sino iyon. Nasa malaking kuwarto kami ni kuya kasama si mama--na nagising din naman ng gabing iyon. Nakasara ang pinto kaya hindi niya makita kung sino ang may mabigat na paa na siyang dahilan ng paggising niya. Mahimbing daw ang tulog ni kuya at imposible namang ako dahil magaan daw ang bawat hakbang ko kapag

Usapang Betsin

Isang umaga sa bahay ng boss namin dito sa Antipolo, Rizal, nagluto itong kasama kong Kapampangan ng almusal: tocino, sinangag at itlog. Namangha itong boss namin sa kasama kong naghanda ng almusal. Ang puna niya, malasa raw ang itlog at sinangag. Masarap daw at malinamnam. Ginanahan siya at naparami ng kain maliban sa tocino dahil masama raw ang pagkain ng mga preservatives dahil may betsin. Kaya lang, ako naman, bigla kong nalasahan sa niluto niyang sinangag at itlog ang betsin. Madali ko lang nalaman iyon dahil iba ang panlasa ko kapag may betsin ang isang pagkain. Sagot naman niya, tinimplahan niya raw iyon ng isang dilaw na leading brand seasoning granules (hereinafter called the *brand*). Napahinto ngayon itong boss ko. Inusisa niya ang *brand* at nakumpirmang mayroon nga itong sangkap na betsin: MSG (monosodium glutamate). Nagtanong siya na may pagkabigla, "Alam mo bang lason sa katawan ng tao ang betsin?" sinita ni boss itong kasama ko. "Nakakaikli ng buh

Ugaling Animal

Isang kakilala ang biglang nagtanong sa akin, "Jay, ano ang paborito mong hayop?" Napahinto ako. Maaalala kong hindi lang siya ang natanong nito sa akin. Sa totoo lang, pangpito siya sa mga nagtanong. Sasabihin ko sanang 'ikaw' but I refuse to say it (minsan kasi ang lakas niyang maka-animal!). Instead, I replied, "Pusa po, sir." "Bakit?" follow up question niya. "Kasi cute," at hindi ko na dinugtong pa ang 'mahilig ako sa pusa!' Napangisi siya saka tumingin sa akin, "Ano pa?" bigla na akong naintimidate. "Kasi . . . mabait," sagot ko, "saka malambing!" Ngumisi siya uli na parang nagsasabing may mali sa mga sinabi ko. Then, ang sabi, hindi niya raw nagustuhan ang sagot ko. Sabi niya, pipili na nga lang daw ako ng hayop, iyon pang walang silbi. Nairita siya sa akin saka umalis, pero mas nakakairita siya. Naisip ko, sana hindi na lang siya nagtanong. Nakita mo na kung gaano katindi ang p

Ilang Buwan na Lang

Ilang buwan na lang, walong taon na ang Jay’s Quirky World blog. Habang isinusulat ko ito--pagod ako at namamaga ang buo kong katawan sa army dozen--maraming bagay ang biglang pumarada sa isip ko. Una, napabayaan ko na sa ngayon ang blog. Wala na (o madalang na lang) akong sumulat ng mga kuwento o kahit ano man para ipaskil sa bakurang ito. Pero, gusto kong ipaalam na hindi ako tumigil sa pagsusulat (e, ano naman ngayon kung malaman mong hindi?). Siguro, wala lang akong oras na magpaskil o tinatamad lang akong mag-encode. Pangalawa, tinatamad na rin ako minsan na mag-isip kaya sa huli, wala na talaga akong maisulat. Pero, salamat na lang sa kasabihan ng isang kaibigan na 'kung walang maisulat, magbasa.' Kaya heto ako ngayon, pinapatulan kahit ang mga eBooks para lang may mabasa (sandali lang, hindi ko 'excuse' ang pangalawang dahilan para hindi magsulat, ha). Pangatlo, parang extraneous variable ang blog sa isip ko tuwing marami akong ginagawa o iniisip. Kapag na

Amoy Tsokolate

"You smell like a chocolate," bati niya paghiwalay niya mula sa pagkakayakap niya sa akin. Dumating siya kanina lang. Tumawag siya sa akin kahapon at gusto niya raw akong makita ngayong araw. "No," I shake my head from left to right. "That's...impossible?" "Is that an answer or a question?" follow-up na tanong niya. "I swear, you smell like a chocolate, dear." "Really?" I was wearing my white tshirt and black running shorts called Botak, soak with my own sweat that running down to my forehead and to my upper portion of my body. I used to be like this at home while performing my body workout. Pagod na pagod ako sa lagay kong 'yon at hindi pa ako nag-ayos ng bahay at ng sarili. Siguro nga, ipinawis ko na ang mga tsokolateng kinain ko kaya amoy na amoy niya. Paliwanag ko pa sa kanya na "I feel active and energized when I ate chocolates." "But it will also help you to increase the level of your libido, make

Pangatlong Beses

Nanaginip ako. Nakahiga ako sa sahig ng isang maliit at tahimik na kuwarto. Hindi ako makagalaw habang nakatitig sa malamlam na liwanag ng bumbilya. Maya-maya, dahan-dahang bumukas ang maliit na pinto na nasa paanan ko. Tumambad sa akin ang isang mahabang hallway. At . . . isang kamay na siyang nagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa takot, lalo na nang sumilip siya sa loob ng kuwarto kung saan ako nakahiga. Ulo lang ang nakita ko sa kanya. Natatakpan ang mukha niya ng buhok niyang mahaba at kulot. Sunod-sunod na kumabog ang dibdib ko sa takot dahil papalapit siya sa akin. Hinahabol ko ang hininga ko. Hindi ako makasigaw at walang salita na lumalabas sa bibig ko. Pagbukas ng mata ko mula sa pagpikit, nawala ang ulo na nagpakita sa akin. Maya-maya lang--THUD! Isang malakas na tunog ang narinig ko sa pader na parang may nag-untog ng malaking bato sa kongkretong pader. Paglingon ko, may nakita akong mukha ng karumal-dumal na multo. Nakalutang siya sa ere, hindi ko makita

Librito

Isang gabi, binabangungot ako. Sa panaginip ko, may tumatawag ng pansin ko mula sa dilim, "Pssst!" Narinig ko 'to sa kung saan pero hindi ko pinansin. Hindi ko pinansin dahil . . . dahil nakakatakot ang paraan niya (kung sino man siya) ng pagtawag niya ng pansin ko mula sa dilim. "Pssst!" muli niya akong tinawag. Tapos, binigkas niya na ang pangalan ko nang mabagal, halos pabulong na medyo malapit pa sa tainga ko. Doon . . . doon na ako inakyat ng matinding takot at kilabot dahil ang lamig ng boses niyang parang nanggagaling pa sa ilalim ng lupa, lalo na sa pagbigkas niya ng pangalan ko. Di ko na naiwasang taasan ng balahibo mula ulo hanggang paa. May nagsabing huwag akong lilingon pero sa huling salita na binanggit ng nagbabala, doon ko siya nakita. Isa siyang itim na babae. Nakatayo siya sa likod ko, dalawang talampakan ang taas, nakatingin siya sa akin at nakangiti. Nakakatakot ang hitsura niya at hindi ko mawari kung anong uri siya ng nilalang.

Basura

Rapture Laman ng balita ngayon sa buong bansa na maraming tao sa pampublikong lugar ang bigla na lamang nawawala sa ere. Yung tipong parang rapture sa apocalipsis na ang isang katawan ng tao ay maglalahong parang bula na walang iiwanang bakas maliban sa suot nitong damit. Marami na tuloy ang takot lumabas ng bahay, sa araw man o sa gabi. Nakakatakot isipin na baka ito na nga ang tinatawag na panahon ng katapusan ng mundo na sinasabi sa Banal na Kasulatan. Dahil dito, naging agresibo ang mga religious group sa bansa sa pagpapakalat nila ng mga Salita ng Diyos para lang mailigtas ang tao. Lahat sila ay nagulantang, nataranta, at nasindak. Hindi na masama. Maraming tao ang nagbago. Marami na ang nagsisimba, bumait ang mga taong tarantado't gago, at kahit yung mga taong may sala sa pitong nakamamatay na kasalanan, aba, nagbago na rin! Pero wala ring ligtas ang iba sa hindi malamang dahilan kahit na hindi naman gumagawa ng masama. Wala nang masasamang balita ang naririnig sa iba&

Nawawala, Naliligaw

Minsan, nagising ako ng umaga. Pagbangon ko, bigla akong nagtaka: Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito? Ang nakakatakot pa, sino ako? Totoo, hindi ko makilala kung sino ako. Wala akong alam. Bago ko inimulat ang mata, nananaginip ako na naroon daw ako sa isang lugar kung saan maraming itim at puting linya. Para silang naglalaban, naghahalo, at parang nakaharap ako sa isang static ng TV. Hindi, parang naroon ako mismo sa loob nito. Titingin ako sa paligid. Inaalala, kung anong lugar 'to at kung totoo o hindi. Tapos, doon ko na lang maaalala na oo nga, nandito nga pala ako sa sariling kuwarto. Napansin ko, parang bago ang lahat. Hindi, bagong-bago sa paningin ko ang lahat kahit pa alam ko sa pinakailalim ng isip ko na matagal ko nang pag-aari ang mga bagay na nasa paligid ko: damit, higaan, mga libro, maging ang buong kuwarto. Nakakabigla at nakakalito. Sumisigaw ang isip ko, sinasabing, 'Hindi ko pag-aari ang lahat!' Mukhang naniniwala ako sa kanya, sa sinasabi

Nawawalang Brief

Isang Calvin Klein, dalawang Jockey at Lee, at apat na Bench--siyam na brief ito na nakasampay o isinabit lang sa ibabaw ng higaan ko, sa paanang bahagi. Nabigla ako kasi ang daming brief! 'Ang rarangya naman nila,' sabi ko, 'kasi pati mga gamit nilang brief, branded!' Hiyang-hiya sa kanila ang Walker kong brief. Siguro, ibinabandera lang nila iyon para ipagyabang. Pero bakit sa lugar ko pa nila inilagay? Bago ko pa napansing maraming brief ng mga kasamahan ko ang nasa lugar ko, marami nang nananawagan sa formation namin na may nawawalan ng brief. Naisip ko, baka napagtripan siyang nakawan ng brief para umaalog ang bayag niya kapag tumatakbo. O kaya naman, baka hindi na (o hindi pa) ibinabalik ng humiram. O ang malala, baka may 'kloseta' sa isa sa mga kasamahan namin (dahil all-boys kami) at doon iniraraos ang pagnanasa. Inilapit ko na sa kanila ang concern ko na baka sa kanila nga ang mga brief na iyon pero nang usisain nila, hindi raw iyon sa kanila. Sa kabil