Disposable
Nagsimula ang lahat sa straw. "Bakit basa ang loob ng straw?" reklamo ng kasama namin sa serbidora ng school canteen. Wala kaming magawa noong mga panahon na iyon. Palibhasa, malapit na ang bakasyon. Isang subject lang ang pasok namin at dahil hindi pa namin gustong umuwi, tumambay lang muna kami sa school at naglibot sa buong compound. Nakaramdam na kami ng gutom pagsapit ng hapon at nagpasyang magmeryenda sa canteen. At habang sumisipsip na ako ng soft drinks, nagreklamo ang isang kasama: "Bakit basa ang loob ng straw?" Hindi ko na iyon napansin dahil sinaid ko na ang pagsipsip ko kasama pa ang hangin saka ko inilapag ang bote. "Gumagamit ba kayo uli ng mga tinapon na straw?" tanong ng isa. Hindi ko na alam kung ano pa ang idinahilan ng serbidora ng canteen na masyado nang defensive. Kinabukasan, bumili ako ng soft drinks. Kinilatis ko ang straw bago sumipsip. At iyon nga, napansin ko, basa nga ang loob ng straw—tanda iyon na nirecycle: pinulot, hinugasa...